Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#ulan
ang mabagal na takbo ng ambon 'tila ba ay may ibang pahiwatig katawan ay unti-unting inahon sapagkat sayong mata ay naantig. sa bilis ng bugso ng bagyo na nagpaikot sa aking tingin, kusang pumunta patungo sayo at sa balikat mo ako ay 'yong diniin. mumunting butil ng luha ang umagos habang yakap ang tanging inalay. naisin mang sumigaw ngunit paos tanging sa hawak mo lamang ako hihimlay kaya't sa huling patak ng rumaragasang ulan, hinanap kita pero huli na ang lahat. para kang tubig ambon na sa akin lamang dumaan, matamis sa una ngunit sa huli'y umalat.
0
Feb 16, 2021
Feb 16, 2021 at 8:49 PM UTC
patak
Ang ulan ang tanging makakapagsabi Na ikaw lang ang aking iniibig Ito rin ang tanging nakakasaksi Sa ating lubos na pagmamahalan Tinamaan na nga ng iyong kidlat Nananalangin sa tuwing bumubuhos Tangayin sana ng hangin ang mga halik Na s'yang inaasam ng ating mga labi Maramdaman sana ang mga haplos Na ‘di kayang ipaabot ng ating palad Pananabik ay lalo lamang tumitindi Kahit ilan pang bagyo ang dumaan Maghihintay kahit ga'no katagal Kung makikita pagtila'y bahaghari At sa dulo nito'y ikaw
0
Nov 13, 2020
Nov 13, 2020 at 12:39 PM UTC
Ulan
umuulan nanaman pala. paglipas ng takipsilim ang akin isipan ay patuloy na binabalot ng kadiliman. ilang oras nang naninimdim sa gabing lumalalim. kasabay ng pag buhos ng ulan ang pag agos ng mga luha na dulot ng kalungkutan, umaasa't naghihintay pa rin sa iyong muling pagdating. naiinip at  kung minsan pa'y napapailing, kailan kaya muling makakapiling? ilang nakaraan na ang lumipas subalit ang puso'y patuloy pa ring kumakaripas. naiwan sa 'king isipan ang mga bakas **** pilit kong tinatakasan. mga alaalang bumabalik sa mga yakap at halik mo'y patuloy akong nananabik. umuulan nanaman pala. kasingtulad mo ang isang paparating na ulan; darating, magpaparamdam at pagkatapos ay mawawala lang din pala. hindi ko maiwasang hindi maging malungkot sa sakit na iyong idinulot.  ang paglakas ng ulan ay siya ring pagkirot ng sugat na iyong iniwan. nakagapos pa rin ako sa iyong mga pangakong napako, gabi-gabi pa ring nararamdaman na para bang nakapaloob sa sako. umuulan nanaman pala. maalala ko na naman ang sugat na aking napala. luha ko'y patuloy na sumasabay sa pag agos ng ulan subalit lungkot ko'y hindi pa matangay. nararamdaman ko ang lamig ngunit mas nararamdaman ko ang muling pagyanig. mahal pa rin kita, sinta. ngunit gusto kong ika'y kalimutan na. subalit paano? sa tuwing umuulan ay ikaw ang aking naaalala. paano ba matatapos ang paghirap na nadarama? kapag kaya sa wakas, ang ulan ay tumila na? matagal na rin pala. siguro'y panahon na upang sarili ko naman ang aking unahin at palayain. para sa ikalalaya ng aking pusong iniwan, para sa ikagagaling ng pusong lubos na nasaktan. sisimulan ko na— sisimulan ko nang makalimot. pero teka lang muna— umuulan nanaman pala. 'wag naman sana pero ayan na, papatak na naman pala. huwag naman sana dahil— dahil— maaalala na naman kita.
0
Nov 3, 2020
Nov 3, 2020 at 3:20 PM UTC
alaala ng ulan

Continue reading...
13
naglalaro ang maliliit na alon sa batuhan kasabay ay paulit-ulit na pagtalbog sa kalagitnaan tinatangay ng mapagbirong hangin hanggang sa ulap lumilikha ng kislap at palakpak naroon lang ang unos ang kinatatakutang delubyo sigwa pinagsamang ingay at katahimikan magkatipan bawat isa ay nagkakaisa paikot pabulusok ang mababangis na luha kanyang dinadala kasunod ay payapang umaga
0
Jul 28, 2020
Jul 28, 2020 at 11:35 PM UTC
Baha
Malarosas **** labi't matamis **** ngiti, Maari bang masilayan ko sa bawat sandali? Ang sining ng kagandahan **** walang kapantay, Maari bang pagmasdan ko habang buhay? Sa bawat minuto, bawat sandali, Makapiling ka o sinta ay ang aking mithi. Kung maari maialay sayo ang tala at buwan, Madama mo lang ang pag ibig ko sayong walang kariktan. Walang hanggan, magpakailanman.. Sa pagsikat ng araw sa silangan at paglubog nito sa kanluran.. Sa isipan ko'y ikaw at ikaw lamang Ang puso ko'y sayo't sayo lang ilalaan. Malabis man hingin ka sa maykapal Hindi mag aatubili pagkat ikaw ay aking mahal.. Na sana ikaw ang ulan ng langit at ako ang lupa ng mundo. Mahulog ka man ay ako't ako ang siyang sasalo. Ngunit kung hindi mo kaligayahan ay hindi ipagpipilitan, Hindi dadamhin kahit iyo mang masaktan.. Mahal kita ibig ko lang iyong malaman.. Kahit pa itong sandali ay iyo ng paalam.
0
Apr 21, 2020
Apr 21, 2020 at 4:06 PM UTC
Ulan at Lupa
hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako nabasa sa ulan may mga panahong dahil sa aking katangahan biglang bumuhos ang napakalakas na ulan may mga pagkakataong sinasadya din magpaulan wala gusto ko lang kailangan ba laging may dahilan? simula nang araw ay makulilim na langit ang bungad ang payong na isinantabi pagdinila ko'y walang ulan na nangyayari nagbibiro na naman ang langit sa panahong gusto kong magbabad at maglakad sa ilalim ng ulan hindi lumapat sa tuyong lupa na siyang aking apak
0
Jul 29, 2019
Jul 29, 2019 at 12:13 AM UTC
Ulan
Nakikinig sa himig ng ulan Habang ginawa ang ika-isang daan. Ganito ba talaga ang magmahal O ako lang 'tong hangal? Pinilit ibalik ang bagay na wala na Dahil akala ko pwede pa. Sana'y madinig nang langit Ng tuluyang mawala ang sakit.
0
Oct 9, 2018
Oct 9, 2018 at 12:34 AM UTC
Day 100
Heto na naman, Panahon ng tag-ulan, Sakit sa ulo't katawan, Damdamin at karamdaman. Basang puno't halaman, Basang kumot na pinunasan, Pumapatak na naman, Ang pag-ibig at tubig-ulan. Heto na naman, Sipon ko'y balik-balikan, Luha ko'y 'di mapigilan; Simula na ng buwan, Na masakit ang ulo't isipan, Masakit ang puso't lalamunan, Pagkat ako'y iyong iniwan, Sa gitna ng ulan.
0
Jul 12, 2018
Jul 12, 2018 at 12:51 PM UTC
Panahon na naman
Natuyo na ang kaalatang pumapalibot sa kanyang mga mata Ilang papel na ang nasira sa pagtulo ng mga basang kalungkutan sa mga salitang pinagsikapang idikta't ibuga Umaasang, balang araw Ang sakit na kinikimkim ay tuluyan ding maiibsan Ngunit Lumipas ang mga buwan, humina ang katawan Nagkulong sa loob ng sariling kasakiman't kadiliman sa takot na muling masaktan. Pero tama na. Sa wakas, dumating na ang realisasyong matagal nang inaasahan: Nakakasawa nang magtiis matulog sa mga basang unan. Panahon na para ito’y labhan.
0
Mar 7, 2018
Mar 7, 2018 at 6:21 AM UTC
Sa Wakas, Babangon Na Siya
Halika na, tara na Hayan at giniginaw ka na Nanginginig ang katawan Habang ang mata'y pilit pinupunasan Halika na, tara na Hindi mo na kailangang itago pa Pait na nadarama Kay tagal nang binaon sa alaala 'Di na rin kasi kayang itago ng ulan Bawat luhang naglalaglagan Kaya't halika na, tara na Sa aking payong, ikaw ay sumilong na Hayaan mo na ang nakaraan Sabay na lang nating bagtasin ang kasalukuyan.
0
Aug 5, 2017
Aug 5, 2017 at 5:00 AM UTC
Ikimashou (Halika Na, Tara Na)
Umiiyak nanaman ang langit habang ako'y narito, naiinggit. Gusto ko rin sanang lumuha ngunit mga mata ko'y pagod na.
0
Jul 16, 2017
Jul 16, 2017 at 3:16 AM UTC
Ulan
Nagsimulang pumatak ang ulan Mula sa maitim na ulap at kalangitan Binuksan ko ang aking payong Upang mula sa ulan ay sumilong Aking kapote ay isinuot Upang damit ko'y manatiling tuyot Naglakad lamang ako ng patuloy Sa kabila ng buhos ng ulan na tuloy tuloy Ang buong akala ko ay hindi ako mababasa Dahil sa kapote at payong na aking inihanda Ngunit 'di ko napansin na ako'y naglalakad na, Naglalakad sa gitna ng baha Tulad ng pagibig ko sa iyo na pilit kong itinanggi, iniwasan Na buong akala ko'y di na ako maaapektuhan Pero sa huli ako pa rin ay lumusong, nilamon, Sa huli ay hindi na ako makaahon. *Kailan ba itong baha huhupa? Kailan ba itong ulan titila?*
0
Jun 29, 2017
Jun 29, 2017 at 8:50 AM UTC
Sa pagtila ng ulan
Ikaw yung unang ulang bumuhos Pagkatapos ng mahabang tagtuyot.
0
Nov 2, 2016
Nov 2, 2016 at 9:35 AM UTC
Ulan
*Ulan ulan Bakit ka ganyan Talaga bang iyong paglalaruan Ang aking nararamdaman Ulan ulan Tama na yan Patuloy lang tayong masasaktan Subukan naman natin ang pagtahan*
0
Dec 16, 2015
Dec 16, 2015 at 12:24 AM UTC
Ulan, ulan
Siya ay parang ulan Kay tagal **** hinintay Sa panahon ng tag init, Na sa pag dating nito Ay maiibsan ang sakit Na dala ng sunog Sa iyong katawan. Na dala ng init Na nang gagaling sa kaniyang mga halik. Tandaan mo, siya din ang sumunog sa iyong dibdib Pero siya padin ang iyong hinihimig. Eto ka nanaman, nakatayo sa kalagitnaan ng bagyo. Nakayuko, sinasalo ang bawat patak ng ulan. Umaasang na siya'y iyong mahahawakan. Pero wag kang magpaka tanga. Siya ay tubig, lumulusot sa mga singit ng iyong mga daliri. At humahaplos sa bawat sulok ng iyong mga sanga. Pinararamdam kung anong piling ng kasama siya. Sige, pwede kang umiyak, walang makaka halata, sa bawat pag bagsak ng mga luha na nanggagaling sa iyong mga mata. Iyak lang ng iyak. Maghihintay ako sa iyong pagtahan Pero tandaan mo, wala kang karapatan magselos. Kase hindi mo naman siya pagaari, Siya ay pangpataba ng lupa. Wag kang maging hadlang, Sa pagtubo ng mga bunga ng kanilang pag mamahalan. Pero wag kang magalala. Hindi ko ba nasabi sa iyo Na ikay isang puno, Na paparating na ang tag sibon. At ngayon mo lang mapagtatanto Na sa kabila ng lahat ng ito, siya ay nasa tabi mo lang, patuloy na binubulong sa iyong mga tenga, "Mahal, nadito lang ako. Akap akap ang iyong mga braso. Hinding hindi ako kailanman maglalaho" "Halika tayo'y muling mag simula."
0
Aug 9, 2015
Aug 9, 2015 at 10:53 AM UTC
Pag-Buhos