Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#tulangpinoy
Isang  pintuan  ng  mahihiwagang  dekorasyon Palamuti,  anong  nasa  likod  na  impormasyon Sa'yo  ipaglalaan  ang  aking  buhay  na  hiram Nais  balang-araw  ay  tawagin  kang  hirang Di  sapat  ang  aking  tayutay  upang  ang  sagot  ay  dumulas Pangatlong  katok  ko  na  ito't  'di  parin  nagbubukas Ikaw  ay  isang  bugtong  na  nais  kong  matuklas Kung  hinde,  ang  aking  buhay  ay  habang  buhay  na  undas. Ako'y   ligaw  na  kaluluwa,  'di alam  kung  sino Ako'y  ligaw  na  kaluluwa  at  baka  ikaw  ang  paraiso May  pagnanasa  sa  paglapit  subalit  ayokong  maka  abala Ako'y  nababaliw  sa'yo  kahit  hindi  kita  kilala Ang  iyong  ngiti  ay  bukang-liwayway  sa  mundong  mapanglaw At  ang  iyong  buhok  ay  mga  alon  sa  dagat  na  bughaw Kung  kulangin  man  ang  ginawa  ko  na  tula Handa  akong  gumawa  ng  isang  daan  pa Hayaan  mo  akong  lumapit,  sa  kung  nasaan  ka man At  pangako  sa  'yo  ako'y  tahimik  lang Subalit  hindi  titigil  hanggang  mapunan  ang  patlang Pakiusap,  hayaan  mo  akong  umusad  kahit  isang  hakbang  lang.
0
Aug 14, 2020
Aug 14, 2020 at 11:27 PM UTC
Hakbang
Isang gabing makasalanan Ang ating pinagsaluhan At ang ating mga katawan Ay nagmistulang isang palaruan Akala mo tayong dalawa'y nasa isang inuman At ang iyong katawan ang aking pulutan Sa ilalim ng mga bituin at buwan Tayo'y parang naging magkasintahan At ang mga maiinit nating haplos ay nagbibigay sa'tin ng kaligayahan Habang ang mga pawisan nating katawan Ay ating ginamit upang ang init na ating nararamdaman ay maibsan Ang uhaw sa romansa na aking nararanasan iyong pinunan Mistula tayong halamang tuyo sapagkat kulang sa dilig Alam kong walang tayo at sa atin ay wala ang salitang "pag-ibig" Pero sa sarap na ating nararanasan ay tila walang makakadaig Alam kong hindi lang tayo ang tao sa daigdig Kung kaya ang iyong bawat ungol at halinghing Ay tila isang musika na may magandang himig At ngayon na malapit nang magtapos itong ating gabi Kasabay rin nito ang isang pahiwatig na hindi ko na mahahalikan ang iyong labi Hindi ko na rin mapapadaan ang aking kamay sa iyong makinis at maputing binti Sapagkat ito'y isang paghuhudyat na ika'y malapit nang umalis sa aking tabi At tila isa na rin itong pamamaalam sapagkat tayong dalawa’y hindi na magkikita pang muli
0
Apr 24, 2018
Apr 24, 2018 at 9:42 AM UTC
"Init at Ligaya"
I am not a starbucks person, but because of you I learned how to drink frappucino and a single shot of espresso. I am not a pizza lover person but because of you, I learned how to eat a pizza with pineapple on top of it I always watch my sugar intake but because of you, all of a sudden I don't care how many donuts I ate There's so many things that I'm not used to do, You bring color to my world like a rainbow And those things that I did is all because of you It brings me joy and excitement because in every new experience that I will encounter I always know that there will always be a "you"
0
Mar 12, 2018
Mar 12, 2018 at 8:24 AM UTC
I lost myself happy