Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#tulangpilipino
Ang araw ay pumapatak na parang orasan Mga sandali'y hahantong sa ganap katapusan Halina't sulitin bakit hindi mo pa simulan? Dahil ako'y darating na kakatok sa iyong pintuan Teka sandali hanggang dito ka na lang Pasya ko sa lalaking tiyak na kulang-kulang Akala niya ay wala nang hahadlang Sa mga sandali ng kanyang pagsasayang Ako'y bisitang kumakatok ng hindi inaasahan Sana'y handa ka at walang pinagsisisihan Sapagkat ako' y bingi sa mga kahilingan At ang aking pasya ay siyang makapangyarihan Sa karit ko nagdaraan ang mabuti at hangal Ako'y di nabibili nang iyong mga pagpapagal Ngunit ang kalaban ko ay syang mararangal Sapagkat di ko maaari ang kanilang mga dangal JGA
0
Feb 20, 2019
Feb 20, 2019 at 6:17 PM UTC
Kamatayan
Nang isilang ka'y kasama mo na ako Kita ko ang tuwa sa mga magulang mo Lahat ng kilos mo tinutularan ko At kahit nasaan ka ay naroroon ako Panahon ang nagturo sayo na mamulat At sa unang pagkikita tiyak ang iyong gulat Sa ilalim ng buwan sa gabing pagkagat Naghahabulan tayo sa gitna ng gubat May isang gabi lahat ng ilaw ay nakapatay Ikaw'y nakipaglaro sakin ng walang humpay Mga anyo ng hayop na likha ng iyong kamay Sa harap ng kandila na sindi ng iyong inay Sa gitna ng dilim ay di ka nag-iisa Bagamat madilim hindi mo makikita Halika sa liwanag at aking ipapakita Ang aking anyo na dati mo nang nakita Kahit saan ka magpunta ako ang buntot mo Hindi mo lang pansin ako'y karugtong mo Sumayaw ka at tutularan ko Ngunit huwag sa dilim upang makita mo Magbalik tanaw sa iyong ala-ala Tuklasin ang aking talinhaga Paalam tapos na akong magpakilala Narito lamang ako lagi, aking paalala JGA
0
Feb 20, 2019
Feb 20, 2019 at 4:02 PM UTC
Anino
Nakahigang pilit na nagmamasid Sa madilim na apat na sulok ng silid Ang sakit ay hindi pa rin lingid Kahit na tiyak ang luhang nangingilid Binabalot ng malamig na kalungkutan Ang puso'ng di alam kung nahihirapan Humahanap ng kumot sa isipan Mainit na yakap sana'y masumpungan Heto na nga at nalulunod na ako At hininga'y kinakapos sa isipan ko Pakiusap sana'y panaginip na lang ito Sapagkat sa paglangoy pagod na ako Isipan ay lubos akong pinahihirapan Tila laging mayroong digmaan Sa silid ng nakabibinging katahimikan Ang isip ay matinding naglalaban Sumapit na ang umaga Ako'y wagi sa pakikibaka Sa kalabang sariling likha Ng isipang puno ng katha
0
Feb 17, 2019
Feb 17, 2019 at 6:17 AM UTC
Silid
Isang laban na parang sa Mactan. Hahayan kahit na ako'y masugatan Wag mo lamang akong iwan. Handa makipapatayan Sa kanya na aking naging kaagaw. Ngunit anong magagawa kung sya na ang sinisigaw Nasasaktan sa tuwing nakikita kayong hawak kamay. Ilang siglo na ang ating nilakbay. Ngunit heto ka, malapit ng bumitaw Talunan matapos ang labanan. Bawat ngiti **** kasama sya nagsasanhi ng sugat sa aking katawan. Nanghihina, kaya hahayaan ng manalo at hayaang mga luha ay lumitaw. Uuwing luhaan, Hahayaang kainin ng kalungkutan Dahil wala ka na sa aking kaharian. -HAN
0
Jan 24, 2018
Jan 24, 2018 at 9:41 AM UTC
Gera sa Puso Mo
Ilang taon man ang lumipas at bumalik man tulad ng bukas Parang ganon parin at tila ba'y di kumukupas Kung paano kita unang nakita't nasilayan. Ganon parin ang aking nararamdaman at hindi nauubos tulad ng tubig sa karagatan. -HAN
0
Jan 9, 2018
Jan 9, 2018 at 5:56 AM UTC
Karagatan
HANGIN Ika'y aking iibigin Hanggang ako'y iyong lisanin. Yan ang pangko sa pag-iibigan natin. Ngayon dumating na ang oras na akoy iyong lilisanin. Mahal, isa lamang ang aking bilin Mahalin ka sana nya, higit ng pagmamahal ko. Mahal, alam mo walang paraan upang ikay limutin. Walang manggagamot ang kayang gumamot sa pusong nagdudurugo sa yamot. Mahal, mamahalin kita hanggang ako'y iyong lisanin Yan ang pangako natin. Pero ngayong ikay lumisan na akala ko mawawala na.. Pero nandito pa. Pagibig na alay sayo. Mahal hindi ko na kaya. Ang sakit sakit na. Hindi na ako makahinga dahil puro letra ng ngalan mo ang aking nahihinga. Mahal ang sakit sakit na.. Namakita kang may kasama ibang. Mahal, naalala mo pa ba, Yung sinabi kong ako'y may asthma? Mahal hindi ko na kaya.. Para kang hangin na punong puno ng polusyon nagnasasanhi ng hirap ko sa paghinga, ngayon. Ngayon! Mahal, masakit na ang bawat paghinga.. Kaya, bibitiwan na kita.
0
Oct 15, 2017
Oct 15, 2017 at 5:18 AM UTC
Hangin

Oct 6, 2018
Oct 6, 2018 at 1:32 PM UTC
Hangin