#tulangbuhay
Minsan napapaisip ako,
Bakit parang 'di patas ang mundo,
Sinubukan ko naman pero yun ang totoo—
Hanggang dito na lang ba talaga ang kaya ko?
Pilit lumalaban sa mga bagay na mahina,
Kahit may humuhusga'y 'di na alintana,
Ngunit tila bingi ang tadhana,
Sa bawat pahina ng aking kabanata.
Sana ihip ng hangin ay minsan sa akin,
Sana 'di pa huli ang lahat para hubugin,
Masabi sa sariling kaya ko rin,
At 'wag sumuko bagkus ito'y tuparin.
Mar 11, 2025
Mar 11, 2025 at 6:41 PM UTC
Umalingawngaw
ang huni ng mga ibon
sa bukang liwayway.
Ilang minuto rin akong naghintay
hanggang sa kumulo na
ang tubig;
at nagsalin ako
sa baso,
nilagyan ng kape't asukal
saka maingat na kinutaw
gamit ang malamig na kutsara
saka hinipan ang pinakaunang nasandok
at nang aking malasahan
ay unti-unting nagbalik
sa akin ang nakaraan
kasama si amang nabubuhay pa't
tanaw kong umiinom
ng kape...
sa lilingkuran.
Apr 22, 2019
Apr 22, 2019 at 12:25 AM UTC
Nakakabulayaw
ang umaalingawngaw
na sigaw
sa katahimikan nang malungkot na gabi
ng tatlong aninong susuray-suray
sa paglakad
habang binabagtas
ang madawag na bahagi ng gubat,
kung saan naglilisaw
ang masasamang loob
at hayop—
Lumabas ako ng bahay
at nakitang nagmamadali sa pagtakbo
ang isa sa mga anino
habang nagsisigaw ng "Pumarito kayo!"
kaya't agad din akong nagtakbo
at natutop na lamang ang sariling bibig
nang madatnan
ang malamig na bangkay
ng isang babaeng
walang alinlangang pinagsamantalahan.
Tirik ang matang
nakatingin sa kawalan katabi ng
Apr 22, 2019
Apr 22, 2019 at 12:20 AM UTC
Hindi mo namalayan,
nagiging abo
na pala ang iyong buhok
na dati-rati ay sing-itim ng iyong mga matang
ngayo'y unti-unti ng nanlalabo;
at sa dati makinis na balat
umusli ang buto
at ugat
na tila nalalantang katawan
ng kapayas.
Apr 18, 2019
Apr 18, 2019 at 12:37 PM UTC
Walang halaga ang mabuhay
sa mundong ibabaw
na puno ng kasinungalingang
ang lahat ay may pagkapantay-pantay,
na ang buhay
ay instrumento ng Diyos
upang gumawa
ng mabuti
sa kabila ng kakaharaping
unos;
Maghihirap kang
linangin ng 'yong mga kamay
at paa ang lupa,
magbubungkal,
magsisikap
na abutin ang mga pangarap
subalit sa huli
lilisan di't 'iwang lahat.
Apr 18, 2019
Apr 18, 2019 at 1:11 AM UTC