Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#trahedya
May trahedya na kumakapit Sa aking katawan Ayaw akong bitawan Hindi ko magawang kalimutan Kalunos lunos Parang hayop na hindi Makahanap ng tubig At nakahandusay Sa kanyang ina. May trahedya na kumakapit Sa aking katawan Pinagtatawanan ang aking Pagsusumikap. Iniinsulto ang aking ngiti Nagdudulot ng tagtuyot Sa sanlibutan ng aking Kaluluwa May trahedya na kumakapit Sa aking katawan Nagtatago sa aking kuwarto At lumalabas sa sarili niyang oras May sariling bibliya na naglalaman Ng kasinungalingan at kahayupan May trahedya na kumakapit Sa aking katawan Unti-unti akong pinapalitan Inoorasan, hinuhusgahan Sinisiklaban ang aking Mga panaginip May trahedya na kumakapit Sa aking katawan Naglalayag sa dagat ng itim na araw Pinipilipit ang aking mga laman loob At pumpatay ng mga inosente May trahedya na kumakapit Say aking katawan Pinipilit kong pakainin Patahimikin, pagurin Ngunit hindi magawang Kaibiganin
0
Mar 28, 2021
Mar 28, 2021 at 9:19 AM UTC
May trahedya
Isang pagkakamali biglang nabura Nabura lahat ng tamang ginawa Isang pagkakataon ang ipinusta Ipinusta ang akala niya ay tama Tama ba na sabihing umalis ka? Umalis sa kadenang kinasusuplutan? Tama ba na sabihing lumipad ka? Kung putol na ang pakpak at wala ng liliparan? Humayo ka, lumaban ka, yan ang sabi nila O kay daling sabihin ng dilang matalinhaga Ngunit sa parehas na dilang iyon ka nalugmok Makalilipad pa ba ang napilayang lamok?
0
Jul 22, 2019
Jul 22, 2019 at 6:57 PM UTC
Putol na ang pakpak