Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#tingin
Nakaw lang ang tingin Ngunit ang nakita ay higit Kahit oras ay bitin Paghangang nakuha sa saglit Sa kanyang labing kanais nais Ang kanyang namumutlang pisngi Kanyang tangkad na hindi labis Ang kanyang bihirang ngiti Sa sandaling ikaw ay nasilayan Mata ko ay ayaw kang pagbitiwan Siguro nga ay hindi ka pangkaraniwan Sa ngayo'y tanging magagawa, ika'y titigan
0
Jan 20, 2019
Jan 20, 2019 at 11:44 AM UTC
Nakaw ng Tingin
Sabik na sabik sa bawat sandali na makita ka Puso kong galak na nagsusumayaw sa tuwa Mga mata kong nangungusap binabanggit na sana'y ikaw na nga Ang tanging iibigin at sa puso ay sana di na mawaglit pa Ika'y nakatalikod ng biglang lumingon At ako ay nabighani na para bang wala ng kahapon Sabay sigaw ng aking pangalan Ako naman ay tumungo at ika'y nilapitan Sa bawat pagdaan ng araw tayo'y nagkakausap Mga mata kong di maipaliwanag ang kislap Ako naman tong sobrang tuwa at laging nagsisikap Upang mapasaya ka at balang araw ay mayakap Gitara't awitin para sa unang akyat ng ligaw Tsokolate at rosas para sa ikalawang dalaw Ililibre ka ng paborito **** mangga at isaw Lahat ng yan di ako mapapagod gawin Umaasa sa matamis na oo na isasagot mo sakin Mangangakong hindi ka sasaktan at lolokohin Sa lahat ng kaibigan at magulang ay ipapakilala Irerespeto kita ng taos puso at walang pagdududa Ngunit lahat ng yan ay tila nagbago Dumating ang isang umaga at ika'y biglang naglaho Hindi nag paalam kung saan patutungo Hanggang ngayon eto ang aking pusong nagdurugo Ako ay di magsasawang mag hintay sa iyong pagbalik Umaasang sayong pisngi ako'y makakahalik At igugugol lahat ng oras at sandali Di na mag dadalawang isip at mag aatubili.
0
May 17, 2018
May 17, 2018 at 2:11 AM UTC
SILAY