Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#talo
Tanging mga siyap ng ibon aking naririnig Nadidinig lamang ay pusong pumipintig Magdamag ika'y tumatakbo sa isip, Habang nilalasap ang tahimik na paligid Malakas na humampas simoy ng hangin Tila ipinapabatid na di ka para sakin Mula pa man, wala kang pagtingin Isang tulad ko'y di kayang ibigin Gustuhin mang ipagsigawan, Hindi ko na maipaglalaban Sapagkat takot ang naninimbang Nagmahal lang naman, ngunit bakit tayo nahusgahan?
0
Sep 11, 2019
Sep 11, 2019 at 7:06 PM UTC
ALAS DOSE