Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#tala
I Siya ang laman ng bawat taludtod Ang sining ng pag- ibig na binuod Salitang matalinhagang ibinuklod Siya ang tugma na 'sing rikit ng bulaklak Ang obra na katumbas ay hindi tiyak II Siya ang gabay ng mga manlalakbay Ang kinang niya ay walang kapantay Liwanag niya'y nagbibigay buhay Bawat hibla niya'y walang kamatayan Siya'y nagniningning sa kalangitan Siya ang tala Ang tulay ng mga ala-ala
0
Aug 19, 2021
Aug 19, 2021 at 10:52 PM UTC
Sino Siya
Sa bawat salitang binibigkas ng labi mo, Para bang dinadala ako sa ibang mundo. Sa mundo na kung saan kalmado ang puso at pansamantalang pwedeng lumayo. Sa mundo na espesyal ako kahit papa'no. Alam kong hindi pa malalim ang nararamdaman mo, sinta. Maski ako man ay hindi pa handa. Ngunit hayaan **** ako’y magpasalamat sa saya At kalinga na iyong dala. Nung minsan, tinawag mo akong mahiwaga. Pero hindi mo alam na ikaw ang mas makinang na tala.
0
Nov 18, 2020
Nov 18, 2020 at 1:38 PM UTC
Puhon
Hindi ko na kailangan tumingala matignan lang ang magandang kalangitan. Kita ko na sa mga mata mo ang tala,buwan at kalawakan.
0
Apr 12, 2020
Apr 12, 2020 at 2:50 AM UTC
Klwkn
ikaw ay tila bituin at ako ang buwan. ang nanahimik kong puso at sanay sa pagiisa ay bigla **** sinamahan. mas lalo **** pinaliwanag ang madilm kong gabi. panandalian, minsan ikaw nawawala wala, madalas natatakluban ng mga ulap na tila inaagaw sa akin. manatili ka, pakiusap.
0
Mar 11, 2020
Mar 11, 2020 at 3:26 AM UTC
tala
Nakakatawa isipin na sinubukan natin mangahas sa maiksing oras, tumaya sa natatanaw na dulo, at maniwala sa pangitain ng bukas. Pero, Mahal, hahayaan ko na ang mundo at pagbibigyan itong manalo. Bulsa ang sagot sa mga tanong na walang katiyakan kung saan aabot. Kabilang ang mga gusot na sa panaginip na lang maitutuwid. Sa panaginip, sa tabi mo gigising. Sa paggising, ibubulong na lang ang hiling. Dahil kahit ulit-ulit natin ang lahat, baliktarin man ang aking unan, sagutin man ang mga natitirang palaisipan, at kahit manatili man saglit, hindi magdadalawang-isip na dayain tayo ng langit. Ngunit, kung sakaling malinlang ko ang taas magsisimula muli ta'yo sa bagong espasyo na ta'yong dalawa lamang ang huhulma ng bukas. Kung saan walang pwersang hihila. Kung saan, Mahal, katabi ka paggising tuwing umaga.
0
Dec 3, 2019
Dec 3, 2019 at 11:31 PM UTC
Dinaya ng Langit
Maging isang bula Maglaho ng bigla Kasabay ng luha Sa pisngi mawala At ang mga bahala Na madalas alala Sa puso'y bara Kailan ba titila? Ang ulan ng pagkaulila Sa kaligayahan' tila Tagpo ay sa tala
0
Oct 5, 2019
Oct 5, 2019 at 11:18 AM UTC
Bula
hinahanap ko ang iyong liwanag gustong masilayan bawat sinag ilawan ang mundong puno ng pagkabagabag dagat na puno ng kapayapaan dampi ng hangin sa aking kalamnan dulot nito'y kapanatagan ng kalooban sa akin ay may bumubulong wag hayaang puso'y makulong sa hinagpis na nakalululong ikaw ang tala na aalalay at gagabay sa paglalayag kong walang humpay ningning mo'y tila walang kapantay.
0
Apr 7, 2019
Apr 7, 2019 at 7:48 PM UTC
Paglalayag/Stella Maris
madilim ang kapaligiran dama ang katahimikan napatingin sa kalangitan abot tanaw ang kalawakan kay gandang pagmasdan mga tala at buwan tila nakahiga sa duyan hinehele ng marahan mata'y napapikit diwa'y kumalma ng saglit nanumbalik mga alaalang di mawaglit ninanamnam bawat kapit biglang napagtanto marami nang nagbago maraming dinanas na pagkabigo kaya bang buksan muli ang puso? mumulat at muling sisilay sa mga bituing nakalaylay Hihiling na sana'y pawiin ang lumbay at mundo'y muling bigyan ng kulay. sana'y hindi magsasawa sa paghiling at pagtingala hanggang sa dumating ang himala at matanggap ang pagpapala.
0
Mar 6, 2019
Mar 6, 2019 at 4:58 AM UTC
muni-muni
Kay tagal kong hinitay Ang iyong mga salita Ang iyong buhay Na tila isang talata Ng ibat ibang nobela Na Sayo lahat nakakda Ibat ibang istorya Na iisa ang hiwaga Sa pangalan mo kinuha Ang milyong milyong diwata Kauri mo ang mga tala Kumikinang ng maganda Isa kang panahon ng ginhawa Katapusan ng kadiliman Laging may kinabukasan
0
May 2, 2018
May 2, 2018 at 5:57 AM UTC
Bagong liwanag