Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#takot
Labimpito ako nang unang matutunan ang kaliitan ng pag-ibig. Madalas hindi ito bulalakaw sa dibdib, bumubulusok at rumaragasa. Hindi paputok o dinamitang pailaw sa dilim ng kagabihan ng pusong isa. Hindi isang maringal na pagtatapat ng katipan. Hindi isang pangako ng isang libong bukas sa oras ng ngayon. Hindi mga bibig na tumatapos ng pangungusap ng isa. Hindi mga katawan na lumulutang. Labimpito ako nang magkaroon ng aso sa bahay. Labimpito rin nang magsimulang maglagay ng tisyu tuwing naggugupit ng mga kuko dahil sa takot na masaludsod ang tuta kapag hinayaang tumalsik ang mga putol na kuko sa kung saang sulok ng silid. Minsa'y pag-ibig ay tahimik sa gilid.
0
Oct 9, 2020
Oct 9, 2020 at 12:14 PM UTC
Mga Pisces at Paa
Sa mundong ito ay patuloy na nabubuhay ako, Wala akong pinipili na kahit na sino, Basta sa oras na ako ay makilala mo, Sa oras na pinapasok mo 'ko, Hindi ko alam kung kaya mo akong takasan, Dahil marami ng nagtangkang kitilin ang buhay ng dahil sa hatid kong kapalaran. Ako, ang sisira sa buhay mo, Gagawin kong miserable ang utak mo, Kapag nakilala mo ako, Kahit saan ka pa magtago Wala! Walang tutulong sayo! Tandaan mo! Lahat sila aayawan mo! Guguluhin ko ang iyong mundo, Yayanigin ko bawat pahina ng buhay mo, Kahit ipagpilitan **** isarado ang bintana, Papasok, papasukin kita- Wala ka nang magagawa! Sumuko ka na! Kaibigan hinihintay na kitang sumama, Ikukulong kita, sa lugar na hindi na makakalabas pa, Kahit ilang beses **** hanapin- Susi para makalabas sa suliranin, Ikaw ay pilit kong aangkinin. Pilit kitang aagawin, Dahil sinasabi ko sa'yo isang pagpapanggap lang ang kanilang gagawin, Makinig ka! Halika na at sa akin ay sumama, Dahil alam kong patuloy lang sila sa panghuhusga, Patuloy ka lang kukutyain, At patuloy ka lang paiiyakin, Oo, nabubuhay ako sa husga, sa kutya, sa pagbalot sa sarili mo sa awa, Sa walang tigil na pagluha ng iyong mga mata, At sa malalang pag-iisip tulad ng pabago-bagong emosyon na hindi alam kung ano ba talaga, Nabubuhay ako at mas lumalakas ako, Sa tuwing nakikita ko ang isang taong mahilig magtago, Ilihim ang nararamdamang sakit sa kahit na sino, Mas lalakas pa ako kung sa oras na ako ay niyakap mo. Huwag kang magtangka- Pagtakas ay wala kang mapapala, Dahil kapag dinapuan na kita, Wala ng gugulo pa sa iyong mundong ginawa, Gilitan ng leeg, wala pa ring talab, Susundan kita hanggang kabilang buhay Kahit magtago ka man sa kaibuturan ng kagubatan. Ako, ang iyong kalaban, Patago kitang sasaktan, At unti-unti kitang pahihirapan, Ako ang madadala sa'yo sa kamatayan, Buhay ako at patuloy na gagambala sa iyong mundo, Mistulang buhay mo ay sisirain ko, Unti-unti kong babaguhin ang iyong sarili, At titiyaking ni isa sa iyo ay walang mananatili. Tandaan mo, at laging isaisip mo, Kakatok ulit ako sa pintuan mo, Dahil ilang beses ko ng sinabi sa'yo, Na nabubuhay ako sa lungkot, sa takot, sa luha, sa panghuhusga ng iba, At sa tuwing nag-iisa ka habang hindi na alam ang gagawin at solusyonan ang problema. Ipapaalala ko lang sa iyo na hindi mo ako basta madadaig, Na hindi mo ako basta malulupig, Hangga't dala-dala mo ang aking mundo, Hindi ako titigil sa'yo. May panahon ka pa, Makakatakas ka pa, At magagawa mo akong daigin kung makikinig ka, Hindi ako kasinungalingan, Nagsasabi ako ng toto, dahil totoo ako. Kung sinasabi **** peke ako, Na dulot ko lang ay pagpapapansin, Sinasabi ko na sa'yo mali ang makinig sa kanilang daing, Intindihin mo ako at unawain lahat ng sinasabi ko, Marami ng buhay ang nawasak ng dahil sa akin, Kaya kung mabuhay ng matagal ang iyong hangarin, Pakinggan mo ako dahil hindi ako nagbibiro, At hindi ako nakikipaglaro. Hindi ako pag-iinarte, hindi ako pag-iinarte. Sa oras na dapuan ko ang mga mahal niyo, o maging ang mga kaibigan mo, Pakiusap, hawakan mo ang kaniyang kamay at hilain papunta sa masayang mundo, Pakiusap ko! Kung sakaling ako ay makilala mo, Layuan mo ako, Ipakilala mo ako sa lahat ng malaman nila na hindi ako pagpapapanggap. Makakatakas ka pa, Makakatas ka. Nabubuhay ako sa mundong ito, Ngunit kaya niyo ako. Dasal lang at tiwala sa sarili ang katapat ko. DEPRESYON. ~ ✍: mula sa kolaborasyon nina PenSword at Lucifer [Kevin V. Razalan || John Nelo San Juan]
0
May 31, 2020
May 31, 2020 at 4:40 AM UTC
KUNG SAKALING AKO AY MAKILALA MO, PAKIUSAP LAYUAN MO AKO

Continue reading...
92
Minsan ako'y naghahangad at nag nanais ng mga bagay-bagay na bihira ngunit hindi labis sa hating papel na takot sa kiskis ng lapis At dahil sa takot at pangamba ako at ang papel ay naging isa sa takot na masaktan ng tadhana at dahil sa mga salita'y naging dala nagpaka layo-layo kasabay ng agos ng hangin hindi alam na basa at gusot ang tatahakin alikabok at buhangin sabay sa buga ng hangin Ako sana'y patawarin bigyan pa ng kaunting pagpapahalaga sa aking damdamin kahit ano mang mangyari sa akin mabasa man o pagpunit-punitin ako ay papel pa rin. © 2018 Kenneth Bituin All Rights Reserved.
0
Aug 6, 2018
Aug 6, 2018 at 11:01 AM UTC
manipis na bagay
Alam mo ba? Mamahalin parin kita kasi naniniwala ako sa kasabihan ng mga matatanda, na mas mahalaga ang nararamdaman ng puso kaysa sa nakikita lang ng mga mata. Pero tangina ng tadhana, bakit ngayon pa? Kung kailan mahal na kita, ika'y lumisan pa. Sakit sa puso nung narinig ko mula sa iyong bibig na wala ng pag-asa. Isa lang naman ang aking dahilan kung bakit iniibig parin kita, yun ay kahit nakapikit ako kita kita. Oo kita kita, kita kita sa mga panaginip ko araw araw. Nangangarap sana hindi na magising pa, para araw araw kasama ka. Kasama kang matulog sa kama, kasama kang magpahinga galing eskwela. Kasama kang tumanda, kasama kang mamatay hanggang sa pagtanda. Kaya ayoko ng gumising pa. Ilang sampal na kaya ang aking natanggap para lang ako'y magising na? pero alam mo mas pinili ko paring huwag nalang idilat ang aking mata kahit ang buong diwa ko'y gising na kahit buong pisngi ko'y namamanhid na. kasi ayokong dumilat at masilayan kong wala ka, at mapagtanto ko paulit-ulit na panaginip lang pala. Pagtawanan nyo na ko't lahat lahat kasi nageffort ako sa wala, at wala ring pag-asa. Wala ng pagasang makasama pa kita, matulog sa kama kasama ka, kasamang magpahinga galing eskwela, kasama kang tumanda, kasama kang mamatay hanggang sa pagtanda, Wala ng pagasa na maging tayo pa. Talo na ako. Isa pa talo na ako. Kasi narinig ko na mismo sa iyong bibig yung salitang "ayoko". Ilang beses na kong naghayag ng pagibig ko na binalewala at sinayang kasi natatakot ako. natatakot ako. Natatakot na baka hindi mo mahalin ang katulad ko. Natatakot ako na baka hindi mahalin ng puso mo ang puso ko.
0
May 23, 2018
May 23, 2018 at 8:58 AM UTC
AYOKO

30
Ang kailangan ko lang naman ay malaman na hindi ako nag iisa Na sa layo ng paglalakad ay nandiyan ka pa Sapat na sa akin ang maging mahalaga Alam kong ilang beses mo nang nabanggit sa ‘kin ‘to Pero nasaan ka na ngayon? Alam kong madalas **** sambitin na nandiyan ka lang Na hinahanap mo rin ako paminsan minsan At akala ko kuntento na ako Hinahagilap ko ang titig mo Natatakot ako Na hindi mo mapansin ang pagkawala ko Ilang beses na rin ako nagpaagos sa alon Ng walang nakapansin ng pagtangay sa ‘kin Sagipin mo ako sa nagbabadyang pagkalunod Hindi na ako magkukunwaring maalam lumangoy Sagipin mo naman ako Naiintindihan ko na hindi lang ako ang iniisip mo Pero sana alam mo na ikaw lang ang kinakapitan ko
0
Jan 18, 2018
Jan 18, 2018 at 8:03 PM UTC
Untitled
Takot akong mag-isa Takot akong harapin ang apat na dingding na makakasama ko sa gabi Narinig na nila akong kumanta Ng mga sinasayawan ng kalungkutan na himig Takot akong kamustahin ng mga unan na nabulungan na ng mga kasalanan Ng mga kumpisal ng mga pinakatatago kong lihim Naulanan na sila ng mga luha Na resulta ng ilang beses na pagtalalo Na nagaganap sa utak ko Hindi ko rin maintindihan Walang nakakaalam Na sa tuwing gabi na tanging ang hininga ko lang ang naririnig tanging ang puso na lang ang may ganang magdagdag ng segundo, paulit-ulit walang nakakaalam kung gaano kalalim ang nilalakbay ng isip, kung gaano kadilim ang suhestiyon ng mga boses na nagtatakda madalas na akong nakikinig sa kanila pinipilit kong bugawin ngunit mas malakas sila sa ‘kin natatakot akong mag isa natatakot ako sa mga gabing ako lang ang nagpapatulog sa sarili natatakot ako sa mga susunod pa _hindi ka ba natatakot sa mga boses na nagpapatulog sa 'yo tuwing gabi?_
0
Jan 17, 2018
Jan 17, 2018 at 8:45 AM UTC
Untitled
Gaano ka kasigurado sa paligid na ginagalawan mo? Isang araw ay maglalakad ng walang bigat sa mga balikat Ninanamnam ang bawat haplos ng hangin, ang ginhawang dala nito Bibigyan ng dahilan ang hindi at oo At isang araw ay magmamasid Sa mundong parang hindi ka naging parte nito Itinulak ng tadhana palabas at hindi na nakatago Ginapos ng hinagap at hindi na nakatayo Ano pang silbi ng mga paa , Ng labi’t mga mata? Tinalikuran ka na rin ng sarili **** isipan Di tanggap ang pagtraydor ng akala mo’y iyo Inuulit ang mga dasal bago kalimutan ang lahat Sadyang hindi makailag sa pasaring ng mundo Hinihiling na tumigil na ‘to _Tigil na_ At kung hindi, ako na lang ang hahayo.
0
Jan 4, 2018
Jan 4, 2018 at 8:32 AM UTC
Tigil
nais kong simulan ang aking tula sa isang katanungan, "bakit mo ako iniwan?" dahil ba sa ugali kong hindi maintindihan? dahil ba sa itsura kong hindi kagandahan? bakit mo ako binitiwan? bakit mas pinili mo ang lumisan? bakit mga pangako mo'y iyong kinalimutan? bakit ka lumihis ng daan? mahal, sana'y sagutin mo't huwag kang magalit, kung marami akong tanong sayo na bakit, hindi ko parin kasi talaga matanggap yung sakit, sagutin mo naman, baka sakaling tumamis ang mapait. hindi kita matanggal sa puso't isip ko, at dahil sa takot ko na baka maulit ang pag-alis mo, ipinagkatiwala ko ang puso ko sa ibang tao, kaysa ang maniwala muli sa mga salita mo. sa bawat paggalaw ng kamay ng orasan, sa bawat pag-ihip ng hanging amihan, sa bawat pagsilip ni haring araw, tila puso ko'y nanatiling naliligaw. paulit-ulit sa aking isipan, tama ba ang aking napagdesisyunan? kasiyahan sa iba ay dapat bang subukan? nagbakasali na hindi ko ito pagsisihan. sumubok ako, nagtiwala sa mga salitang naghatid ng panandalian ligaya, nagpadala ako sa mga pangakong "ikaw lang at wala ng iba", pero nagkamali ako, pare-pareho lang pala kayo, sa una lang kayo pursigido. mahal, nais kong alalahanin mo, lingid sa kaalaman mo na makakalimutin ako, pero inaamin ko, ni minsan hindi ka nawala sa isip ko, oo mali 'to, pero masisisi mo ba ako? bakit ramdam ko parin ang sakit ng iyong paglisan? bakit hindi kita kayang bitiwan? bakit sa bawat oras ng aking kalungkutan, ikaw, ikaw ang nagsisilbing dahilan ng aking kasiyahan? ang unan ko'y basang basa na ng luha, mata ko'y tuluyan ng namaga, alam ko na wala na akong dapat kapitan, kung kaya't sanay matutunan ko ng ika'y bitiwan. mahal, wala akong karapatan para sabihin na ako'y iyong balikan, dahil minsan na kitang pinagtabuyan, kaya hinihiling ko na sana sa iyong muling paglisan, kasabay nun ay ang unti unti kong pagtahan. patawad sapagkat hindi na tama ang aking nadarama, patawad sapagkat alam kong tayo'y tapos na, patawad sa mga salitang hindi na maibabalik pa, patawad, patawad sa pagpili ko noon na lisanin ka at wag ng lumingon pa. labis ang naramdaman kong lungkot, labis din ang poot dahil hindi kita malimot-limot, subalit sa mga panahong naghihilom na ang kirot, saka ka naman muling susulpot. lubos akong nagalak, puso ko'y nabusog sa iyong salitang mabubulaklak, nawala ang patalim sa puso ko na nakasaksak, nang ikaw sakin ay kumambak. subalit hanggang kailan kaya mayroong "tayo"? hindi ko maalis ang takot sa puso at isip ko, hindi ko maalis ang nadarama kong silakbo, na ang dapat na "tayo" ay mapalitan muli ng isang "kayo" hanggang kailan mo ako muling mamahalin? hanggang kailan mo ako muling yayakapin? hanggang kailan mo muling ipaparamdam ang apoy ng pag-ibig? o papatayin na lamang ito muli ng malamig na tubig? natatakot ako sa mga bagay na hindi inaasahan, na baka magbago ang iyong isipan, natatakot ako sa mga pwedeng maging dahilan, dahilan ng iyong posibleng paglisan. kasi minsan mo na akong isinantabi, minsan mo na kong trinato na parang walang silbi, minsan mo ng binasa ng luha ang aking pisngi, at minsan mo na rin pinunit ang puso ko sa iyong mga sinabi. natatakot ako mahal ko, nais kong magtiwala muli sa mga salita mo, paumanhin, subalit natatakot ako, natatakot akong iwan mo ulit ako. sana'y sa ating karanasan sa nakaraan, manatili ka sa aking tabi at huwag lumisan, sapagkat ikaw ang aking kalakasan, subalit ikaw rin ang aking kahinaan. ikaw, ang pumapawi sa aking uhaw, ikaw, ang nagbigay direksyon sa puso kong ligaw, ikaw, ang dahilan kung bakit ang puso mula sa bintana ng kaluluwa'y dumungaw, ikaw, ang nagbibigay sigla sa akin araw-araw. hinihiling ko na sana sa oras na magbago ang ihip ng panahon, magbago ang direksyon ng mga alon, tumaliwas ang lahat ng bagay sa dapat nilang posisyon at direksyon, mag-iba man ang huni ng mga ibon, sa oras na ikaw ay aking muling tanungin, isa laman ang isasagot mo sa akin, "huwag kang matakot at mangamba, mahal na mahal kita"
0
Aug 5, 2017
Aug 5, 2017 at 3:32 PM UTC
SANA

Heto't nag-iisa, Malungkot at walang kasama, Hinahanap ang ligaya, Nabulag ng lungkot, saya'y di na makita. Sapagkat hinahanap yung makakaagapay, Sa mga panahong lumbay ang kaaway, Kaya nga kay lungkot ng bakasyon ko, Takot na ako'y limutin mo. Ako sayo'y nangungulila, Ang aking nag-iisang tala, Ang hinahangad na makita, Sa gabing kay dakila. Sayo, di gustong mawalay, Ang laman ng damdamin kong tunay, Ayaw kong ako'y mapang-iwanan, Mapang-iwanan at makalimutan. Ako'y takot sa katotohanan, Na sa buhay, walang pang walang hanggan, Na ang lahat ay may katapusan, Na ang lahat ay pwede kang iwan. Walang magagawa, yung ang totoo, Kaya damdaming ito'y itatago ko, Kaya ang tiwala ko'y ibubuhos ko sa'yo, Tiwalang ako'y maaalala mo, kaibigan ko.
0
May 29, 2017
May 29, 2017 at 12:23 PM UTC
Pangungulila
Mga salita, mga letra, Panulat ko at diwa. Ngayo'y nagkaisa Upang isulat ko itong tula. Natatakot ako kasi hindi ito tama. Natatakot ako kasi tayo ay di tugma. Natatakot ako kasi, "bakit nga ba?" Natatakot na lang ako bigla-bigla. Ni hindi ko naman ito ninais, Ni hindi ko naman ito ginusto. Ako'y napapangiti, matatamis. Hayan! Nangyari ka na sa buhay ko. Natatakot ako sa sarili ko. Natatakot ako sa iyo mismo. Natatakot ako sa pag-ibig ko. Natatakot ako sa paglisan mo. Itong takot ko na bigla-bigla, Sana mawala ring parang bula Dahil lakip nito'y lungkot lamang, Pangamba, balisa, agam-agam. Tatapusin ko ang aking tula na may takot pa. Umaasang pagsikat ng araw ako'y matapang na. Matapang kong haharapin ang iyong paglisan, Balang araw ika'y aking makakalimutan.
0
Nov 1, 2015
Nov 1, 2015 at 7:47 PM UTC
Natatakot ako
Yung natakot ka na Mahalin siya Yung natakot ka na Mawala siya Yung natakot ka na Sabihin sa kanya Yung natakot ka na Maunahan ka ng iba Yung natakot ka na Magbago ang samahan Yung natakot ka na Manghinayang sa pagkakataon Nakakatakot Lamunin lamang ng takot Nalito, di malaman ang gagawin Kung ito'y aaminin o hindi Hanggang sa wala ka nang ginawa Kundi matakot sa hinaharap At masabing *"Sayang, kung hindi lang ako natakot Edi sana, alam mo na ngayon"*
0
Sep 26, 2015
Sep 26, 2015 at 11:13 AM UTC
Takot
Nagkaroon ng gana Na magkaroon ng Sana Ganito kami Sana Ganyan din kami Sana Ganoon lang kami Sana Eh hanggang sana lang ba lagi Ang hantungan ng tao? Hindi Sana
0
Feb 5, 2015
Feb 5, 2015 at 10:46 PM UTC
Pagkabahala