Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#tahimik
Labimpito ako nang unang matutunan ang kaliitan ng pag-ibig. Madalas hindi ito bulalakaw sa dibdib, bumubulusok at rumaragasa. Hindi paputok o dinamitang pailaw sa dilim ng kagabihan ng pusong isa. Hindi isang maringal na pagtatapat ng katipan. Hindi isang pangako ng isang libong bukas sa oras ng ngayon. Hindi mga bibig na tumatapos ng pangungusap ng isa. Hindi mga katawan na lumulutang. Labimpito ako nang magkaroon ng aso sa bahay. Labimpito rin nang magsimulang maglagay ng tisyu tuwing naggugupit ng mga kuko dahil sa takot na masaludsod ang tuta kapag hinayaang tumalsik ang mga putol na kuko sa kung saang sulok ng silid. Minsa'y pag-ibig ay tahimik sa gilid.
0
Oct 9, 2020
Oct 9, 2020 at 12:14 PM UTC
Mga Pisces at Paa
"TAHIMIK!" sigaw ng mga nasa itaas, mga taong gumagawa ng batas, ngunit ang hustisya'y hindi patas, 'pagkat sa kanila ang batas ay may butas. "TAHIMIK!" sigaw ng mga may kapangyarihan, mga taong inaasaahang maging huwaran, sa panahon na sila'y ating kinakailangan, ang tanging naitatanong ay "saan?" "TAHIMIK!" sigaw ng mga mapagmanipula, mga taong ginagawang hanapbuhay ang pulitika, pondong mga winawaldas at nawawalang parang bula ang mga sagot ay tanging paghuhula. "TAHIMIK!" sigaw ng mga ayaw sa kritisismo, mga takot sa hinaing at nagrereklamo, mga tutang kinain ng koloniyalismo, sa ibang bayan sila ay tila maamo. ngunit sa kabila ng lahat ng pagtatahimik, patuloy kang umimik, sa hustiya at paglaban ay maging sabik, sa mga mapanakot huwag magpapitik. ipagpatuloy ang pagiingay, sa masa ika'y sumabay, magising ka sa iyong malay, pagkamakabayan huwag sanang mawalay. huwag **** hayaang kunin ang boses natin, 'pagkat ang pag-aaklas ay pilit na isinalin-salin, mag-salita ka pa rin, hindi lang para sa'yo kundi para rin sa akin. ialay ang mo ang salita mo sa mamayan, ikaw ang maging tunay na huwaran, susunod na henerasyon iyong ipasan, mag-ingay sa kahit anong paraan. "TAHIMIK!" ani ng taong bayan, sawa na sa pagmamanipula na naghahari-harian. "TAHIMIK!" ani ng mga mamamayan, tandaan na laging buksan ang mata at isipan.
0
Jul 3, 2020
Jul 3, 2020 at 5:22 AM UTC
tahimik
kinalimutan mo na kaya ako? sa mga oras na nasa presensya ng bawat isa naaalala mo rin kaya ang mga hangal na desisyong nagbuklod sating dalawa? dahil ako, palagi. sa tuwing nandiyan ay pinapauli-ulit ang transisyon ng pagkawalay ng dalawang pinaglapit sa pagkalimot ng isa paulit-ulit nagsisimula sa umpisa ani mo'y palabas sa sariling haraya iniipit ako ngayon ng tahimik ni walang imik sa pagitan nating dalawa napagod na ang mga paang umakyat para lang matanaw o magbigay ng senyas, nagdadasal na bigyang habag napapangiti na lang sa mga gunita dahil naaalala ang ilang beses na pagsuko at pagtayo namang muli tulad ng paulit-ulit na pagtugtog ng musikang nagpapaalala sayo
0
Feb 3, 2019
Feb 3, 2019 at 2:24 PM UTC
palagi.