Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#tahanan
kung walang tatayo para sa bayan, sino? ikaw na takot at naniniwala sa kuro-kuro? ikaw na sanay na sa sistemang pabago-bago? kung hindi tayo lalaban, sino? sino bang dapat lumaban at makiaklas? sino bang nandyan hanggang bukas? sino bang nais humamon upang maging patas? sino ba dapat ang kailangang tinitingala at tinitingnan sa itaas? hindi ba't ikaw ang dapat gumawa ng paraan? hindi ba't ikaw na mamamayan? hindi ba't ikaw na Pilipino sa dugo at laman? hindi ba't ikaw na anak ng bayan? sa bawat siglong dadaan ay nanatili ang rebolusyon, ang tanging kailangan ay pagmamahal sa nasyon. mga aksyon natin dapat iayon, kaya lumaban ka para sa sarili, sa bayan at sa susunod na henerasyon.
0
Jul 7, 2019
Jul 7, 2019 at 6:33 AM UTC
anak ng bayan
himig ng 'yong boses tila sigaw ay kaligtasan di makakaila sating tinginan sa'yong mga mata'y nakikita ang hantungan tayo lang ang tanging may kaalaman kaya't ika'y hahanapin kahit saan sa kabilang ibayo man o bayan kahit saan ika'y susundan 'pagkat ikaw ang tanging tahanan aking tatawagin kailanman ang 'yong nagiisang pangalan kahit alin man ang pagdaanan ang mahalaga ay ika'y mahagkan kaya't aking irog, aking kasintahan ipapaalala sayo ang ating pagmamahalan lahat para sayo ay aking ilalaan pagkat ikaw ang tanging tahanan
0
Jul 7, 2019
Jul 7, 2019 at 6:31 AM UTC
tahanan
Sabi nila sa iyong tahanan ka tatahan Ngunit bakit ay luha ko'y natigil sa piling ng aking kaibigan? Siguro'y dahil ang mga nasa tahanan ay hindi ako naiintindihan Kaya't sa iba ako nakakahanap ng kapayapaan Mga salitang inyong nilalabas Kala ninyo tama nguti ito'y tumataliwas Ito'y nakakawala ng lakas Kaya naman gusto ko nang tumakas
0
Dec 19, 2020
Dec 19, 2020 at 5:36 AM UTC
Tahan sa piling ng iba
Manaka-naka kong binisita ang 'yong munting tahanan Siniyasat kung may bagong kagamitan o panauhing pinaunlakan Sinuri ang katibaya't karupukan ng dating kagamitan Repasuhin ang pundasyong itinukod ng nakaraan At sa muli kong pagbisita sa 'yong tahanan May bago akong nadatnan– nag-iba ang 'yong kinahihiligan Hindi na aso kundi pusa ang paborito **** alagaan Pati pintura ng 'yong munting tahana'y sya ring pinalitan Ang dating itim ay tuluyang naging luntian Maging ang pader nito'y simentado na't hindi kawayan Pagbabago nga ba? o isinaayos lang? T'wing bibisita ako sa 'yong tahanan Dati-rati'y umaabot pa sa 'yong pintuan Datapwat ngayo'y hanggang tarangkahan na lamang Nananatiling nakamasid sa 'yong bakuran Sa harding dati'y mirasol pa ang namumukadkad at hindi rosas Sa bagong panauhing pinapasok sa pintuan Pinaunlaka't nilaanan ng oras Sa mga larawan niyang nakasabit sa dingding na dati'y mukha ko ang nilalaman Nakatanaw; Sa tahanang minsan ako'y nanahan Sa tahanang tuluyan ko nang nilisan -SLE
0
Feb 12, 2020
Feb 12, 2020 at 9:25 AM UTC
Tahanang Nilisan
Mahal ko, Pangarap kong makita muli Ang matamis **** ngiti, Sa kabila ng kahapon. Mahal ko, Tayo’y gumawa ng paraan para atin nang kalimutan Ang pait ng nakaraan. mahal ko, tara na’t umuwi; Ako ang gagabay sa’yo Sa gabing umuulan, Patungo sa ating tahanan.
0
Oct 14, 2018
Oct 14, 2018 at 5:00 PM UTC
Tahanan