Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#taguan
isa, dalawa, tatlo ako'y tatakbo papalayo 'di ko alam kung saan ako tutungo ang nais ko lang ay makalayo sa'yo apat, lima, anim itong damdaming aking kinikimkim dapat ko ba itong sabihin o hayaan na lang maglaho sa hangin? pito,walo, siyam 'di mo pa rin alam; wala ka bang pakiramdam? o sadyang wala kang pakialam matatapos na lang ang bilang pero ang tagu-taguan ng aking nararamdaman ay tila wala na atang katapusan ngunit pagbilang ko ng sampu nasilayan sa aking pag dilat ang katotohanang ikaw pala'y may ninanais nang iba
0
Sep 2, 2019
Sep 2, 2019 at 12:56 AM UTC
tagu-taguan
noong bata ako mahilig ako maglaro nang taguan sa ilalim ng buwan sa harap ng bahay nagkakasama kami'ng magkakaibigan pagpipilian kung sino ang matataya magbibilang ng sampu hanggang sa lahat ay nagsipagtago at sa bawat laro may madayang biglang maglalaho pero sa taguan kung sino yung maunang makita ay siya ang matataya kaya naman kung sino yung nangdaya tiyak sa susunod na kabilugan ng buwan ay hindi na kabilang
0
Jul 16, 2019
Jul 16, 2019 at 9:19 AM UTC
Tagu-taguan
Tagu-taguan, Maliwanag ang buwan Munti kong tula, Inyong pakinggan Ito'y patungkol Sa kabataan Na inaakalang Pag-asa ng bayan Wala sa likod, Wala sa harap Ano ang kabataan Sa hinaharap? Handa na ba kayong Malaman ang totoo? Pagbilang ng sampu, Malalaman na ninyo Isa, dalawa, tatlo "Tara, pre! Dota tayo!" Isa, dalawa, tatlo "Kyah, pa-like ng DP ko" Isa, dalawa, tatlo "Naka-hithit na ako" Isa, dalawa, tatlo "Tara, shot na tayo" Mga kabataang nakikiuso Mga kabataang lulong sa bisyo Kabataang imbis na ang dala'y libro Ang palaging hawak ay sigarilyo Apat, lima, anim Wala nang ibang alam gawin Apat, lima, anim Kung hindi gadgets ay pindutin Apat, lima, anim "Babe, walang tao sa'min" Apat, lima, anim "Babe, pwede na nating gawin" Mga kabataang napapariwara Mga kabataang sa tukso'y nadadala Kabataang tinuturing na Maria Clara Na ngayo'y mas kilala na sa Maria Ozawa Pito, walo, siyam Nasirang kinabukasan Pito, walo, siyam "Aking pinagsisisihan" Pito, walo, siyam "Ako'y nanghihinayang" Pito, walo, siyam "Ibalik niyo 'ko sa nakaraan" Totoo nga ang kasabihan Ang pag-sisisi'y nasa hulihan Ang ating nakaraan Ang siyang madidikta ng kinabukasan Ngunit hindi ko naman nilalahat Ang nais ko lang, kabataa'y mamulat Ang buhay natin ay parang aklat Tayo ang gumagawa ng sarili nating kwento at pamagat Hindi ko tatapusin ang bilang sa sampu Dahil hindi ako ang magdidikta ng kinabukasan niyo Ngunit sa pagtatapos ng munting tula ko Sana'y makapagsimula kayo ng panibagong kwento Kwento na kung saan kayo ang bida Kwento na kung saan kayo ang pag-asa Salamat sa pakikinig mula umpisa Ngayon ang tulang ito'y tinatapos ko na
0
May 27, 2018
May 27, 2018 at 11:08 PM UTC
TAGU-TAGUAN

Continue reading...
64
Nagsimula na ang bilang mo, Isa, dalawa, tatlo, Nagsimula na ang aking pagtakbo, Apat, lima, anim, Nagtago na ako mula sayo, Pito,walo,siyam, Napakadami na ng aking hinakbang papunta sa dilim, Takot man ako sa mga nilalang ng kadiliman, Handa akong tumakbo papunta rito, Basta’t makalayo lamang sayo. Hindi ko na narinig ang pagtatapos ng iyong pagbibilang, Hindi ko alam kung sino na sa atin ang nagtatago’t naghahanap, Patapos na ba ang ating laro? Kaya’t uuwi ka na lamang, at magpapahinga sa bahay niyo? Lumalalim na ang gabi, Natatanglawan na tayo ng mga bituin, At mga alitaptap na tila kumikislap ang mga pakpak, Ikaw ba’y naglalakad palayo sa akin? O ako ba ay tumatakbo lamang paalis? Gabing gabi na, Tayo pa rin ay nagtataguan sa ilalim ng buwan, Maglalakad na ako mula dito sa aking taguan, Papunta sa iyong tahanan, Wala na akong pakialam, Kung ako man ay mataya o di kaya’y madapa, Basta’t matapos na ang ating taguan, At pagkakita ko sayo, Sa dati **** pwesto, Natapos ang iyong pagbibilang, Sampu, narito na ako, nahanap na kita, Hindi pala ikaw ang taya, Aking mga mata lamang pala ay dinadaya, Natapos din ang ating taguan, Nahanap na kita, nahanap mo na ba ako?
0
Sep 6, 2016
Sep 6, 2016 at 4:50 AM UTC
“Natapos din ang paghahanap”