#taglagas
ilang beses mang humi-hindi,
sa iyo pa rin nananatili.
ilang beses na ring uma-ayaw,
ngunit ikaw lagi ang sigaw ng puso sa bawat araw.
ilang beses mang sinabing “tama na”,
pero ikaw pa rin ang hinahanap sa tuwina.
ilang beses man sinubukang itulak papalayo,
ngunit ang kanlungan ng pag-iibigan ay ‘siya pa ring dinadayo.
sa bawat kabiguan ng puso,
at sa bawat patak ng luha,
mahal, ako’y laging iyo,
ang puso natin ay sa isa’t isa.
Dec 15, 2025
Dec 15, 2025 at 7:13 AM UTC