Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#tagalogpeom
Dumating na nga at ako ang nagwagi Sa larong alam kong ako ang masasawi Kaya nama'y tuluyang ikukulong at itatali At tuluyang ako ang sa inyo'y maghahari Wala nang dapat pang pag-usapan Ako ang wagi sa tunggalian Itatago ko na kayo sa kailaliman Sa madilim at malungkot na kadiliman Yayakapin ang ginaw sa taglamig At papatayin ang apoy ng tubig Wala nang lambing mula sa bibig At papatayin ko na ang pag-ibig
0
Feb 9, 2023
Feb 9, 2023 at 10:29 AM UTC
Wagi
Sa bawat pag lipas ng taon Ako'y tila naiiwan ng panahon Ngiti ang sagot sa bawat tanong Ngunit hindi ang siya ko ngang tugon Tanong na tila humahamon sa katauhan ko'ng malamya Tanong na malalim ang mga kataga Tanong na iniiwasan ko'ng tumaga Sa pusong takot nang muli pang mapiga Takot lang ako na baka meron akong masaktan Ang siya ko'ng laging sagot at dahilan Ngunit ako nga ba'y tumatakbo lamang mula sa nakaraan At ang totoo ako'y takot na muli nang masaktan? Hindi hindi. Sadyang ako'y iba lamang mag-isip Hindi puso ang umiiral kundi lagi ang isip Sapagkat ako'y pagod na sa mga panaginip
0
Jan 16, 2023
Jan 16, 2023 at 11:21 AM UTC
Tanong