Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#sugatan
Tuwing dapit hapon nagsisimulang umalingawngaw ang mga tinig. Mga alitaptap ay nangingimasok sa mga bukas na sugat. Maaligasgas na mga tunog ay maririnig sa duguang trumpeta. Hindi mawari ang pagsilay ng buwan sa mga matang nakapikit ngunit nakatingin. Pagiyak ng punong kahoy sa pagkabali sa bagyo ng mga pasanin ay siyang namamayani sa gitna ng gabi. Ang bawat pagpunit ay kasabay ng pagikli ng mga pahina. Kumpas ng orasan sa takipsilim naghahayag ng taglagas nang kaunting saya sa isang linggong kalumbayan. Papatayin ng unti unti at iiwang sugatan ng mga pangungusap na hindi maawat. Mapagkunwaring uwak na suwail sa hangin ay hindi na makalilipad. Ang pagwawagi ay bihira lamang.
0
Aug 19, 2021
Aug 19, 2021 at 10:34 PM UTC
"Musika sa gitna ng Dilim"
Isang laban na parang sa Mactan. Hahayan kahit na ako'y masugatan Wag mo lamang akong iwan. Handa makipapatayan Sa kanya na aking naging kaagaw. Ngunit anong magagawa kung sya na ang sinisigaw Nasasaktan sa tuwing nakikita kayong hawak kamay. Ilang siglo na ang ating nilakbay. Ngunit heto ka, malapit ng bumitaw Talunan matapos ang labanan. Bawat ngiti **** kasama sya nagsasanhi ng sugat sa aking katawan. Nanghihina, kaya hahayaan ng manalo at hayaang mga luha ay lumitaw. Uuwing luhaan, Hahayaang kainin ng kalungkutan Dahil wala ka na sa aking kaharian. -HAN
0
Jan 24, 2018
Jan 24, 2018 at 9:41 AM UTC
Gera sa Puso Mo
Darating ka pa nga ba? Mukhang marahil di na Totoong ika’y nanlimot, aking sinta, Sa pangakong pagmamahalan nating dalawa. Maaaring sabihin **** ako’y baliw, di-karapat-dapat, Ngunit ikaw, giliw, ay kailanman naging sapat, Sapat na upang patuloy kong ibigin, Ibigin kahit na iyong di mapansin. Pero bakit? Bakit nga ba di ka na darating? Bakit ba labis ang lungkot na aking tinatamasa sa iyong di pagsipot? Tanggap kong hindi mo nga talaga ako kailanman magugustuhan, Subalit matindi pa rin ang hapdi ng puso kong iyong sinugatan. Sabi nga nila, ang tulad mo ay tipong paasa, Yung tipong mangangako at di sasama, Marahil ako nga ang siyang problema, Ako nga ang taong umasa, Pero tangina, Salita mo ay iyong bigyang halaga.
0
Dec 10, 2017
Dec 10, 2017 at 12:44 AM UTC
Ikaw na Paasa