Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#silid
Nakahigang pilit na nagmamasid Sa madilim na apat na sulok ng silid Ang sakit ay hindi pa rin lingid Kahit na tiyak ang luhang nangingilid Binabalot ng malamig na kalungkutan Ang puso'ng di alam kung nahihirapan Humahanap ng kumot sa isipan Mainit na yakap sana'y masumpungan Heto na nga at nalulunod na ako At hininga'y kinakapos sa isipan ko Pakiusap sana'y panaginip na lang ito Sapagkat sa paglangoy pagod na ako Isipan ay lubos akong pinahihirapan Tila laging mayroong digmaan Sa silid ng nakabibinging katahimikan Ang isip ay matinding naglalaban Sumapit na ang umaga Ako'y wagi sa pakikibaka Sa kalabang sariling likha Ng isipang puno ng katha
0
Feb 17, 2019
Feb 17, 2019 at 6:17 AM UTC
Silid