Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#sigurado
Di pipigilan ang puso na tumangis Ang luha sa pagpatak nang dahan-dahan Ilalakad pa rin ang mga nanginging na paa kahit masakit Imumulat ang mga mata habang lumuluha at tinitingnan ka papalayo Bubuksan ang kamay lalo na't hindi na hawak ang iyong palad Hahagkan ang hangin sa pagbabakasakaling ika'y babalik Titingnan ka na lang sa malayo at ngingiti Sa pagkakataong iyon alam kong ika'y masaya sa kanyang piling Hindi na pipilitin at alam kong ika'y di para sakin At lalaging sasabihin na kung hindi lang din ikaw ay huwag na lang Sa muling pagtatagpo sa huling pagkikita sa huling hininga ikaw...
0
Feb 14, 2020
Feb 14, 2020 at 7:45 AM UTC
Kung di lang din ikaw
Gaano ka kasigurado sa paligid na ginagalawan mo? Isang araw ay maglalakad ng walang bigat sa mga balikat Ninanamnam ang bawat haplos ng hangin, ang ginhawang dala nito Bibigyan ng dahilan ang hindi at oo At isang araw ay magmamasid Sa mundong parang hindi ka naging parte nito Itinulak ng tadhana palabas at hindi na nakatago Ginapos ng hinagap at hindi na nakatayo Ano pang silbi ng mga paa , Ng labi’t mga mata? Tinalikuran ka na rin ng sarili **** isipan Di tanggap ang pagtraydor ng akala mo’y iyo Inuulit ang mga dasal bago kalimutan ang lahat Sadyang hindi makailag sa pasaring ng mundo Hinihiling na tumigil na ‘to _Tigil na_ At kung hindi, ako na lang ang hahayo.
0
Jan 4, 2018
Jan 4, 2018 at 8:32 AM UTC
Tigil