Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#sayaw
bibilis at babagal ang oras at ang tempo ang paghinga at ang paggalaw ang tibok ng aking puso bibilis at babagal maging ang mga salita maging ang mga hakbang papalapit ng papalapit ang ating mga tadhana ang ating mga landas dalawang bagyong magtatagpo upang bumuo ng isang kalmadong relasyon mapanuya na hindi kailanman nila makuha sasayaw sa musikang dala ng tadhana dala ng busina ng sasakyan ilang metro ang layo sasayaw sa musikang dala ng tadhana dala ng nagkukwentuhang lasing ilang hakbang lang ang layo sasayaw sa musikang dala ng tadhana dala ng sipol ng hangin nagbabanta ng paparating na ulan sasayaw sa kabila ng mapanirang tadhana na posibleng isa sa ating ang mapilay o mapahiya dahil hindi na makasabay sa ritmo at giling sa musikang dala ng tadhana patayin ang musika kagaya ng pagpatay sa nararamdaman hindi na ulit ako sasayaw kung hindi ikaw ang kasama
0
Mar 18, 2021
Mar 18, 2021 at 8:36 AM UTC
sayaw
Isang gabi nang pagmamahalan, Sa ating dalawa tila’y nanahan, Sa panahong nagawang tumahan, Baguhan sa mukha **** luhaan. Sa sayaw na ang awit ritmo ng mga puso, Sa ilalim ng buwan na walang pagsuko, Sayaw na walang halong pagsusumamo, Sayaw na tanging tayo ang nagpaamo. Ngunit mapagbiro ang tadhana, Sa panahong ika’y kapiling na, Isang sibat ang sa puso’y tumama, Agad-agad sa kawalan ay sumama. Hindi akalain na ito na nga ang huli, Munting sayaw na ‘di natin kakampi, Sa oras na tayo’y dapat nagtimpi, Tila ang tadhana’y sadyang nabingi.
0
Dec 21, 2016
Dec 21, 2016 at 3:15 AM UTC
Ang Huling Sayaw sa Ilalim ng Buwan.