Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#saya
Sa panandaliang pagtigil ng mundo, Hindi mapigilan ang mga tanong sa isipan, Na para bang mga sasakyan sa EDSA, Buhol buhol at walang kaayusan. Ang mapait na naranasan ay iiwan na sa nakaraan, Akapin ang kasalukuyan at kinabukasan, Patawarin ang sarili sa nagawang kasalanan, Bitawan ang sakit na nararamdaman, Hindi para sakanya at hindi rin para sa iba, Para sa'yo; Para tuluyan ka nang sumaya, Mga gabing puro luha at kalungkutan, Balutin sana ng umagang puno ng kasiyahan. Nawalan ka man ng kaibigan o kasintahan, Mga memoryang hanggang isipan nalamang, Pulutin at dalhin sa susunod na kwento, Dahil sadyang may mga kabanata na hindi para sa'yo.
0
Nov 12, 2020
Nov 12, 2020 at 11:04 AM UTC
Kwento
Umuulan na naman, Natutuwa ba o nalulungkot ang langit? Walang nakakaalam, Tulad ng damdaming lihim at itinatagong sakit. Sa bawat patak ng ulan ay pagpatak ng luha, Pilit nanunumbalik masasayang alaala. Ulan ang dahilan kung bakit pinagtagpo, Sa ulan din pala magkakalayo. Lakad at takbo sa gitna ng ulan, Mabasa o magkaputik ay hindi alintana. Bugso ng ulan ay biglang dumahan, Payong ang nakita pagkatingala. Ngiti **** nakahahalina, kislap ng iyong mga mata, Iyan ang naaalala sa unang pagkikita. Tila bang tayo ay nasa koreanobela, Damang-dama ang pagiging bida. Ngunit katulad ng mga seryeng inaabangan, Kwento nating dalawa ay may hangganan. Ang masayang wakas, hindi na masasaksihan, Sapagkat ayaw mo nang makita ang dulo, nauna ka nang lumisan. Lakad at takbo sa gitna ng ulan habang habol ka. Basang-basa at putikan, hindi alintana. Mga hikbi ko ay hindi mapatahan, Kasabay nang pagbuhos ng ulan. Payong mo'y hindi na matanaw, Wala na, tuluyan ka nang bumitaw. Iyan ang alaala ng huli nating pagkikita, Ang maging kontrabida sa kwento ng bawat isa.
0
Oct 6, 2020
Oct 6, 2020 at 8:25 AM UTC
Lihim
kita ko sayong mata ang saya mo sa kanya hindi ko lang talaga maintindihan kung anong dapat kong madama iniwan kita kasalanan ko pero hindi mo rin naman ako masisisi kung may sakit dito dito sa dibdib ko dahil noong iwan kita ay hindi ko ginusto kaya ngayon kahit hindi ko gusto ang nakikita ko ay pinilit na tignan ang mata mo kita ko ang saya mo sa kanya dahil dito ay masaya na rin ako dahil alam kong masaya ka dahil sa kanya
0
Oct 19, 2019
Oct 19, 2019 at 4:03 AM UTC
saya
Sa aking pag-iisa ikaw lagi ang kasama sa himig mo’y nadarama pagkawala ng problema, inawitan mo ako upang sumaya, sa malungkot na mundo ako ay di na nagdusa, panahon ay lumipas gabay mo’y di nawala sinasalo mo maging ang aking mga luha. Kung ako ay tatanungin Gaano ka ba kahalaga? Kunin ka man sakin Hahanap hanapin parin… Talagang nag-iisa Galing mo sa pakikisama, Salamat sa iyo, Mahal kong gitara.
0
May 2, 2019
May 2, 2019 at 11:04 AM UTC
Gitara
di ko alam kung ako lang ang ganito o marami ring taong nahihirapan ang emosyon ay ipagtanto. nahihirapan isulat, ilagay sa kwaderno, buhatin ang lapis, at gumawa ng mga letrang bubuo sa isang kantang ikaw lang nakakarinig. isang kantang sumusigaw sa puso’t isipan isang boses na nagsasabing “ako’y pakinggan.” isang bugkos ng mga salita na di mo alam kung pag pinagtabi tabi mo na sa iyong papel ay magkakaroon ng kahulugan. oo. madalas akong ganito. na andaming gustong sabihin ng utak ko pero ni bibig ko o ang kamay ko ay di alam kung paano ito ibubuo. bakit ang dali magsulat? pero ang emosyon, hirap na hirap ibuklat? minsan, nananalangin ako na sana may taong lalapit dito para turuan akong sabihin kung ano nasa utak ko. ngunit kahit meron mang ganung tao, alam ko di parin niya makukuha ang aking gusto. dahil ang mga salita na galing sa utak ko, na para sa akin ay kumakanta ng napakagandang musika ay sa kanya naman, halos pareho, pero di gaanong tugma sa pagkanta. kaya oo. kahit hirap na hirap ako, na sabihin sa lahat ang emosyong sinisigaw ng mga piyesa sa utak ko, tuloy parin ako sa pagsulat kagaya nito. dahil onti onti kong naiintindihan na ang lungkot, saya, o mapa ano man, ay iba iba ang kahulugan sa tao. pero pare parehong ang dama ng nagagawa nito sa puso.
0
Apr 6, 2019
Apr 6, 2019 at 6:36 PM UTC
sulat
Sa aking pag-iisa ikaw lagi ang kasama sa himig mo’y nadarama pagkawala ng problema, inawitan mo ako upang sumaya, sa malungkot na mundo ako ay di na nagdusa, panahon ay lumipas gabay mo’y di nawala sinasalo mo maging ang aking mga luha. Kung ako ay tatanungin Gaano ka ba kahalaga? Kunin ka man sakin Hahanap hanapin parin… Talagang nag-iisa Galing mo sa pakikisama, Salamat sa iyo, Mahal kong gitara. ©2008 John Vincent Obiena. All rights reserved.
0
Aug 29, 2017
Aug 29, 2017 at 12:10 PM UTC
Gitara