#sampuan
Ha?!
Ano nga uli
'yong tanong mo?
Pakiulit . . .
Ahh . . .
ummm . . .
Dec 10, 2019
Dec 10, 2019 at 7:06 AM UTC
Solomon
nagpayo:
Sangguniin
kayo.
Hiling
ko:
Kaliluhang
naghahari’y
Lipulin
ninyo
Sep 29, 2018
Sep 29, 2018 at 10:03 PM UTC
Sangkatauhan:
Matagal
na
tayong
magkakasama
Ngayon
lang
pinansin,
binigyang-halaga.
- Kalikasan
Oct 14, 2018
Oct 14, 2018 at 11:04 AM UTC
Kuwitib –
pulang langgam,
Mata’y mulat,
mapanupil kinakagat,
Baya'y ginigising:
Magigiting!
Aug 22, 2018
Aug 22, 2018 at 9:10 AM UTC
Sa
buhag
ng
pukyutan,
lahat
nagtutulungan;
Sa
Pilipinas,
karamiha’y
nagsisiraan.
Nov 23, 2017
Nov 23, 2017 at 8:47 AM UTC
Tao’y
tapon doon,
tapon dito,
tapos,
'Marumi
raw
mga
insekto?'
Feb 19, 2018
Feb 19, 2018 at 7:52 PM UTC
Gagamba
gumawa
ng
sapot:
Huli
mga
lamok,
Lusot
mga
bubuyog!
Feb 6, 2018
Feb 6, 2018 at 8:16 AM UTC
Hindi miminsan -
Palagian -
Gamugamo;
Nahihirati, nagpapaloko:
Nakakapasong Liwanag -
Mapanlinlang -
Pulitiko.
Apr 3, 2018
Apr 3, 2018 at 3:48 AM UTC
Kumukuti-kutitap
kumain-dili, al-tang-hap
lamparang maliit, apuhap
basuraha’y bubungkalin
makakai’y hanap.
Mar 2, 2018
Mar 2, 2018 at 4:24 PM UTC
Umigkas-igkas,
kumislot-kislot:
Itlog.
Uod.
Buyon.
Paruparo.
Kumilos!
Pagbabago –
tunay,
totoo!
Nov 30, 2017
Nov 30, 2017 at 7:40 AM UTC
Isa! dalawa!
Hindi polisiya!
Tatlo! Apat!
Bra-ta-ta-ta-tat!
Hunghang tayong lahat!?
Sep 8, 2017
Sep 8, 2017 at 9:46 AM UTC
Pinagtitiris!
Pinagpipisa!
Piso bawat kuto,
Salapi bawat lisâ.
Nanlaban!
Pinuksa!
Sep 8, 2017
Sep 8, 2017 at 9:48 AM UTC
Mga tutubi,
hinuli?
Silang maniningit-sobre,
pinatay, sinabitan kayo,
kartong “SALBAHE”
Sep 8, 2017
Sep 8, 2017 at 9:07 AM UTC