Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#ronelyncastillo
Sa tuwing hahapon ka't Tanaw ng matá, paglao'y Aagawin ng jeep palayo, Paulit-ulit kong hinahanda Ang kilometrong di man Kalayuan, animo'y madalim Na ulap pa ring lumulukob Sa'king kaligiran. Hihintayin Ka't papayapain, sa pagitan Ng pangitain at pag-asa, na Ilang ulit mang ulitin ang Saglit na paglayo, walang Makakahadlang, tayo ay Sasagpang at kukubli sa lingid Na daigdig upang maging Mangingipon ng oras, ng rosas. Ngayon: bagyo sa labas, unos sa Loob. Sa tuwing hahapon ka't Tanaw ng mata, paglao'y aagawin Ng jeep palayo. Ngunit hindi ang Puso, hindi ang pagsuyo.
0
May 19, 2016
May 19, 2016 at 3:50 AM UTC
CROSSING TAMBO
Kung sakaling mapadpad Dito ang balahibo ng pakpak Ni Icarus, huwag **** hayaang Mawaglit sa iyong isip ang bilin Ko ukol sa ika-10 ng Enero. Ito ang araw kung kailan nagpasya Ang buwan na yakapin ang araw, Hindi dahil sa tiyak na liwanag, Kundi dahil sa katiyakan ng hiwaga. Kasabay ng metapisikal na pagniniig Na ito ang huling hatol ng Daruanak Sa Binibining nabighani sa binistay Na luha ng makata. Makikita pa sa panganorin ang unang Sulyap sa huling alapaap ng dilim. Ngunit wala na ang kulog, maging Ang pagkahulog sa bitag ng ligalig. Alalahanin mo na lang ang dagat at Ang pangako nitong kapahingahan Kung sakaling sa paghahanap natin Sa bahag-hari ay wala na sa ating Maiwan kundi mga guho, mga mumo Ng mga musmos na puso. Ang Mahalaga lahat ng ito'y nakatalá na Sa mga tála.
0
May 19, 2016
May 19, 2016 at 3:47 AM UTC
MGA TALÁ NG TÁLA