Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#reviel
Sa gabing mapanglaw buwan ay lumitaw Aninag nya'y di makasilaw Sa mata kong mapagtanaw ilaw nya'y kinahanga At tila di bibitaw Sa aking pagtitingala Ng ulo ko sa ibabaw Ngunit sya'y isang buwan At akoy' isang ako Malayo, di malapitan At dampian sya'y malabo Tanging  pagtingala sa itaas Ng tahimik, sa malayo At likhain aking pantas Habang nakatingin sa ibayo
0
Aug 29, 2024
Aug 29, 2024 at 2:54 PM UTC
Buwan ko sa Alas Unsi ng Gabi By: Reviel Marc S. Dela Cruz