Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#problema
Minsan ako'y naghahangad at nag nanais ng mga bagay-bagay na bihira ngunit hindi labis sa hating papel na takot sa kiskis ng lapis At dahil sa takot at pangamba ako at ang papel ay naging isa sa takot na masaktan ng tadhana at dahil sa mga salita'y naging dala nagpaka layo-layo kasabay ng agos ng hangin hindi alam na basa at gusot ang tatahakin alikabok at buhangin sabay sa buga ng hangin Ako sana'y patawarin bigyan pa ng kaunting pagpapahalaga sa aking damdamin kahit ano mang mangyari sa akin mabasa man o pagpunit-punitin ako ay papel pa rin. © 2018 Kenneth Bituin All Rights Reserved.
0
Aug 6, 2018
Aug 6, 2018 at 11:01 AM UTC
manipis na bagay
Alam mo naman sa sarili mo na gusto kita Alam mo naman sa sarili mo na wala nang iba Alam mo naman sa sarili mo na ikaw lang talaga Pero ano ba talaga ang problema? Sa bawat oras na magkasama tayo, ikaw ang nasa isip ko Sa bawat oras na magkasama tayo, walang ibang tumatakbo sa utak ko Sa bawat oras na magkasama tayo, labis na ligaya ang nararamdaman ko Pero ano ba talaga ang problema? Sa tuwing kasama kita, iba ang nasa isip mo Sa tuwing kasama kita, ibang tao ang tumatakbo sa utak mo Sa tuwing kasama kita, iba ang nararamdaman mo Ito ba? Ito ba ang problema? Ang problema, nandito naman ako pero iba ang hinahanap mo Ang problema, nandito ako sa tabi mo pero ibang tao ang nais mo Ang problema, NAGPAPAKATANGA AKO KAHIT NA ALAM KO Oo alam ko… Na siya ang gusto mo
0
Sep 1, 2017
Sep 1, 2017 at 11:52 AM UTC
Ano ba Talaga ang Problema?
sa likod ng matatamis niyang ngiti, malungkot na dalaga'y makikita ang mga tawang nakakarindi, ay mga iyak na tinago niya mga problema, kailan matatapos? aking buhay ay wala nang kulay. bakit parang ako'y naka-gapos? ganito ba talaga ang buhay?
0
Jul 15, 2017
Jul 15, 2017 at 9:52 AM UTC
III
Pinilit kong hindi bumitaw Para hindi ka agad umayaw Pinilit kong 'wag kang mawala Pero pilit kang kumakawala Ano bang problema nating dalawa? Kulang pa ba o sobra na? Pwede bang sabihin mo na Kung gusto mo pa ba O ayaw na.
0
Dec 21, 2015
Dec 21, 2015 at 7:46 AM UTC
Suko na ba?
Sa mga tala hihingi ako ng paunawa Mga bagay na di ko na dapat ginawa Pero sabi nga Baka naman daw masyado lang akong walang tiwala Sa sarili kong balisang balisa Mga bagay na di ko na maipaliwanag Kaya bang linawin ng ng mga talang aking laging tinatawag? Sabi ko gusto ko nang lumayo ngunit sabi ko din "wag" Di ko lubos maintindihan Kung ano ang dahilan Paano na ba iyan? Maipaliliwanag mo ba kung bakit ngayon wala nang laman? Kasi nung huli kong tinignan Lahat tayo'y masaya laging nandyan Ngayon... bakit? Bakit wala nang laman??? Pati puso ko di ko na maramdaman Sobrang sakit na hindi maipaliliwanag nino man Ayokong umalis nang hindi ito ayos Pero di ko talaga alam kung anong gagawin kong kilos Dahil sa tuwing ika'y kaharap na Lahat ng aking mga tanong ay biglang nawawala nang parang bula Di ko alam kung paano ka kakausapin tungkol dyan sa sitwasyong di kaunaunawa Kalagayan natin ngayo'y kaawa awa... Di ko na talaga alam... Sa tingin ko'y ako na'y naging mangmang Kaya isang kudos na lamang Para sa ating lahat
0
Dec 16, 2015
Dec 16, 2015 at 5:11 PM UTC
Di ko na alam...