Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#pinoypoetry
Katawang sa gapos ay nais kumawala, Sa kasing talas ng patalim na mga salita, Mga matang nagmumugto sa hapdi na nadarama, Iyak na hindi maisigaw sapagkat takot ang nauuna. Nais sumigaw, nais lumaban, Nais ilahad ang sakit na nararamdaman, Ngunit sariling laman at dugo ang kalaban, Kaya bang mag wagi kung ganito ang kinalalagyan? Gustong sumigaw, gustong kumawala, Gustong umiyak, gustong magpakaawa, Gustong sumabog,  gustong magmura, Gustong ilahad ang sakit na nadarama. Balang araw sana'y makalaya, Araw ng paglisan aking nais matamasa.
0
Oct 3, 2020
Oct 3, 2020 at 9:02 PM UTC
Ako?
KU MU HA, Ang aking kamay ng blangkong papel, Ngunit ano nga ba ang nararapat isulat? Tungkol sa'yo nalang nga ba ang lahat? Kailan kaya ang panahon na ako ay makakamulat? GU MA LAW, Ang aking mga kamay, Ngunit ikaw pa din ang nasa isip, Tila na naman ako gising na nananaginip, Naway magising na ako sa aking pagkakaidlip. DU MI KIT, Na ang tinta sa papel, Ngunit ang tula'y tungkol na naman sa iyo, Kailan ko kaya maihihinto, Ang oras na kung saan ikaw sa isip ko'y tumatakbo. HU MIN TO, Ang aking kamay sa pagsusulat, Naliwanagan na nga ba ako? Oh isa na namang imahinasyong nabuo? Naway hindi sana ito magkatotoo. MU LI, Na namang gumalaw ang aking kamay, Ngunit ako na naman ay mali! Kulang pa ba ang lahat at hindi mo maisukli? Bakit napakahirap hanapin ng iyong kiliti? TUL DOK, Na ang aking naisulat, Nagtatapos na nga ba ang lahat? Nawa'y mapapawi na ang sugat, At ito na nga ang huling hudyat.
0
Sep 3, 2020
Sep 3, 2020 at 10:08 AM UTC
Tinta at Papel
Tila bampira ako na nalulusaw sa liwanag mo, ang dilim na minsang nagtugma sa pintig ng dibdib ay tila lumisan na para sa bagong umaga at sa bagong pagiikutan nito. Ang rurok ng kastupiduhang ito ay nag udyok na tumakas sa upang suyuin ang mga sinag mo. at gaya ng mapangahas na gamo gamo, ay pinilit kong mapalapit sayo.. na nagsanhi ng pagkasunog ng aking mga pakpak.. Lumagpak at hindi na muling nakapalipad. At gaya ng mga bampira sa kwento ni tatay, ay tuluyan ng napaso at nawala sa landas ng mga sinag mo.
0
Jun 27, 2020
Jun 27, 2020 at 12:29 PM UTC
bampira at gamo gamo
ika-19 na pahina ng ikalawang kabanata ng panaghoy. Naghihikahos, nagluluksa, at bakit nga ba hangang ngayon tila automatikong tumatakbo patungo sa rurok ng kastupiduhang ito. Habang ang liwanag ay patuloy na umiikot sa kaaliwalasan mo.
0
Jun 27, 2020
Jun 27, 2020 at 12:21 PM UTC
ika-19 na pahina
we took a long ride, we risked it all.. we almost made it.. but the waves are crashing us down into the shore. and you let go of my hand, now you are free and safe.. but i am still here, still drowning..
0
Mar 19, 2020
Mar 19, 2020 at 8:57 PM UTC
waves
i remember all the details of you including the things you love and the things you dont. i love to hear your stories. the good one and even ur worst or the weirdest stuffs that u want. i love staring at your eyes and your chunky cheeks, your sweet smiles. i love the way you talk and laugh or even the way you eat. i love your flaws and imperfections. i love being with you. there's only one thing that you didn't know about yourself.. you is an art. mahiwaga.
0
Mar 18, 2020
Mar 18, 2020 at 10:06 AM UTC
YOU
hindi ako magpapaalam sa limampung tula o higit pa na aking sinulat at inalay para sayo.. dahil minsan rin namang nagtugma ang ating damdamin na nagusbong ng mga matatamis na salita na naglalarawan ng ating pagibig. subalit sa habang nadadagdagan ang saknong sa tula, ay unti unti na ring di nagtutugma ang damdamin nating dalawa. mahiwaga, salamat at naging bahagi ka ng kabanata ng aklat ng aking mga tula.
0
Mar 18, 2020
Mar 18, 2020 at 9:52 AM UTC
maling paksa
hindi nagsusinungaling ang iyong mga mata. kapag tinititigan ko ito ay tila dinadala ako nito sa iba't ibang dimensyon kung saan nakikita ko ang tunay **** emosyon. kinikilig, masaya, naggugutom, pagod, nagtatampo, malungkot, hindi na masaya at may iba na.
0
Mar 13, 2020
Mar 13, 2020 at 12:35 PM UTC
mata
hindi ka pain para saluhin ang lahat ng balang binabaril. hindi lahat ng bala ay iyong dapat sasaluhin. umilag ka dahil hindi lahat ay tinututok sayo. matagal nang hindi kumakasa ang baril dahil nauna mo na itong patamain sa pagibig kong matagal ng namatay.
0
Mar 11, 2020
Mar 11, 2020 at 8:33 AM UTC
baril
ikaw ay tila bituin at ako ang buwan. ang nanahimik kong puso at sanay sa pagiisa ay bigla **** sinamahan. mas lalo **** pinaliwanag ang madilm kong gabi. panandalian, minsan ikaw nawawala wala, madalas natatakluban ng mga ulap na tila inaagaw sa akin. manatili ka, pakiusap.
0
Mar 11, 2020
Mar 11, 2020 at 3:26 AM UTC
tala
at kung ipipikit ko ang aking mga mata sabay hingang malalim, maari mo bang sambitin na ako'y mahal mo rin? at kung patuloy akong tatakbo sa pagtahak sa nakakapagod na mundo, maari bang ikaw ang maging tahanan ko? dahil sa pagitan ng iyong mga bisig natagpuan ko ang tahanan at pahinga. ang mainit na pagtanggap sa mga kalyo at sugat ng nakaraan at sa pagbibigay lunas ng mga sugat na patuloy pa ring naglalangas. mahiwaga.
0
Mar 9, 2020
Mar 9, 2020 at 9:59 PM UTC
mahiwaga.
Gusto ko gumawa ng tula Tungkol sa pag-abot ko sa mga tala Panulat ang talas ng iyong salita Sa mala-papel kong panangga. Ilang taludtod pa lamang Kamay ko'y saaking luha nag-aabang Hatid na sugat 'di na mabilang Sa puso kong hindi mo binigyang galang. Isip ko ay napunta na doon sa sulok Pati ang puso kong mabagal na ang tibok Hindi pa kasi tapos ang tula nating sasangga sa mga bundok Kaagad mo nang tinadtad ng walang katapusang tuldok.
0
Oct 23, 2018
Oct 23, 2018 at 10:45 AM UTC
Tula-la