Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#pinoypoems
Ano nga ba ang “IKAW” sa ako? Ikaw ba ‘yung taong pag-aalayan ko? —pag-aalayan ko ng saya, tuwa, oras, puso at buhay ko? O ikaw ba ‘yung taong magpapaluha, maninira o guguho sa aking mundo? Sino nga ba ang “IKAW” sa akin? siguro ikaw na ‘yung matagal ko nang- pinapanalangin, siguro ikaw na ‘yung may mukha at may mga matang mahinhin, ikaw na siguro ang nakatakda kong mahalin. Teka lang, eh, “AKO”? Ano nga ba ang “AKO” para sa’yo? Siguro naman mayroong “AKO” diyan - sa puso mo? Siguro naman may “AKO” na siya ring ipinagpanalangin mo? Siguro naman may “AKO” rin diyan sa buhay mo ? May “IKAW” at “AKO”, ibig sabihin – mayroong “TAYO”. Ang mahalaga may “TAYO” kahit hindi ito klaro. Hindi man itinadhana, minsan pa ring namuhay sa iisang mundo. Hindi man pinagtagpo, magkarugtong pa rin naman ang mga puso.
0
Mar 26, 2020
Mar 26, 2020 at 1:09 AM UTC
Kabiyak-puso.
naaalala ko pa no'n diretso sa tindahan ng turon pagkatapos ng ating klase kwentuhan hanggang matapos ang hapon 'pag madilim na ang kalye sinasabayan ka sa pag-uwi mapalayo man sa'king bahay kahit galit na naman si nanay agad kang tinatawagan paglapat ng likod sa higaan dinadaan pa sa assignments marinig ko lamang ang iyong boses gumigising ng maaga kahit lunes ay ganado't handa makita lang ang iyong mukha. ilang taon pa ay inamin ko na. hindi ko alam kung bakit masakit maging kaibigan lang kahit sa pagkakaibigan naman nag-umpisa ang lahat... pero ayos lang basta ikaw maghahangad pero maghihintay ayos lang basta para sa'yo masasaktan pero 'di sususuko pasasaan ba at baka doon din tayo mapunta pero kung talagang hindi 'di pa rin aalis sa'yong tabi basta ikaw...
0
Oct 27, 2018
Oct 27, 2018 at 5:30 AM UTC
BASTA IKAW (UNANG KABANATA)
sobrang ginaw ba ng paligid at pati puso mo'y nanlamig? niyakap kita ng mahigpit, ngunit mas nanginig nang ako'y lumapit. sabi mo'y kailangan mo ng oras, espasyo na saki'y malayo. ang nais mo'y makapag-isip, bakit ko naman ipagkakait? binigay ko lahat ng gusto mo pero ngayon ako ang talo. ang panahong hiningi para init ay manumbalik ay ang s'yang naging mitsa upang damdami'y tuluyang mawaglit. sobrang lamig na ng paligid at ang tanging lunas ay ang iyong halik. pakiusap mahal, ika'y magbalik.
0
Oct 27, 2018
Oct 27, 2018 at 1:02 AM UTC
MAHALAMIG