Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#pinagsamahan
naalala ko pa lahat, lahat ng ating pinagsamahan, pinagsamahan mula hirap at saya, saya na hindi ko inakala, inakala na magtatagal, magtatagal ngunit sakit ang naging dulo. ikaw, naalala mo pa ba lahat? lahat ng mga alala, alalang alam ko unti-unti mo ng nilimot, nilimot kahit ako, ako na sinakripisyo lahat pero ako pa rin ang mali. saan nga ba ako nagkulang mahal? mahal, namimiss ko na ang iyong mga yakap, yakap **** kay higpit na ayaw akong bitawan, ngunit dumating ang aking kinakatakutan, kinakatakutang iwan ako at iyon ang iyong ginawa.
0
Mar 29, 2019
Mar 29, 2019 at 10:24 AM UTC
Ala-ala.