Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#pilipinopoems
Ano ang dahilan at tila Sumusulat ka ng tula Upang aliwin ba ang madla O sambahin ang mga dakila? Sapat nga ba ang aanihin Sa ihahasik na pagkain Ito nga ba ay diringgin Ng pusong malayo ang tingin? Kung tapos na ang simula Ano pa ang mapapala At kung wala nang manunula At patay na ang tula? Sino ang makikinig Kung higit na nananaig Sa kumpas ng aking bibig Ang maingay na sahig? Walang may nais umunawa Sila'y pagod na't nagsawa Nais ay mabilis na ginhawa Sa isip na nakakaawa JGA
0
May 10, 2019
May 10, 2019 at 3:44 PM UTC
Patay na ang Tula!
Sa kabila ng paglipat Ng pahina ng buhay ko Ay ang pag-usad ng istorya at pagtatapos ng kabanata mo.
0
Jul 17, 2016
Jul 17, 2016 at 6:21 AM UTC
Pahina