Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#pilipino
Pakiusap, sinta ko, baka ang aking mga mithiin ay napag-alinlangan. Ngunit nanumpa ako sa iyo—at sa aking sarili—na maghahanap ng lunas sa halip na sumuko. Hindi ito bugso lamang ng pagkahaling, O mababaw na paghanga lamang; Huwag mo akong ituring na hungkag o walang pakiramdam. Nauunawaan ko ang diwa ng pagmamahal, bagaman hirap akong arukin ito. Sa kabila ng pagsusumikap kong patusin ang mga tanikala ng puso, Nabigo ako—pagkat nananatili akong bilanggo ng pag-ibig mo. Anuman ang idulot na pagkawasak, kahit pa magkahiwalay ang ating mga landas, Hahanap-hanapin ko ang iyong piling, maging sa katahimikan ng kamatayan. Kaya’t ipinamamanhik ko sa iyo: Huwag mo akong talikuran; huwag mo akong hayaang mabulid sa kawalan ng pag-asa. At huwag mo ako bibitawan dahil magkikita tayo pagkatapos ang kamatayan natin dalawa
0
Feb 27
Feb 27, 2026 at 8:07 AM UTC
Huwag mo akong bibitawan
Tila ba nagdurusa sa bawat sandaling hindi ka masilayan Ang marinig ka lamang ay tiyak na kaginhawaan Tila ba nais mo na ako'y pahirapan At tuluyang hanap-hanapin ka ng lubusan Wala nang anopang maitatanggi Aamining kailangan na kita lagi Nasasawi sa bawat wala ka sandali Mahal na yata kita palagi Palaging di nauubusan ng dahilan Na gumawa ng kahit anong paraan Kahit pa masaktan ng tuluyan Ang hangal na pusong puno ng kalungkutan
0
Feb 9, 2023
Feb 9, 2023 at 8:02 AM UTC
Palagi
Sa pag lubog ng araw Liwanag ay napapanaw Kasabay na dumadalaw Dilim na umaagaw Sa anyo ng katahimikan May kasinungalingan Sa bawat kabutihan May kapatid na kadiliman Sa mukha na may takip Walang nais sumagip Takot na sumilip Ang ngiting may kalakip At sa bawat natuklasan Bumibigat ang pasan Patay na kamusmusan Wagi ang kasamaan Tumigil sa piglas Wala na ang lunas Hirap nang tumakas Sa lahat ng pintas
0
Aug 25, 2022
Aug 25, 2022 at 1:10 PM UTC
Pintas
Sa bawat araw nang pag pakli ng pahina Waring nauubusan na ng isusuot na maskara Patuloy sa anyo na siya ngang kilala Ang hangal na magaling mag manipula At kahit naka guhit na sa mga mata Naitatago parin ng mga ngiting mapagtatwa Waring ang lahat ng bagay ay nakakatuwa Sa taong hindi na lubos na nakadadama Nagbubunyi ang mga halimaw sa dilim At binubulong ang mga balak ng mataimtim Hanggang saan kaya makakarating Ang talino ng hangal na nag mamagaling?
0
Aug 14, 2022
Aug 14, 2022 at 1:41 PM UTC
Hangal
bibilis at babagal ang oras at ang tempo ang paghinga at ang paggalaw ang tibok ng aking puso bibilis at babagal maging ang mga salita maging ang mga hakbang papalapit ng papalapit ang ating mga tadhana ang ating mga landas dalawang bagyong magtatagpo upang bumuo ng isang kalmadong relasyon mapanuya na hindi kailanman nila makuha sasayaw sa musikang dala ng tadhana dala ng busina ng sasakyan ilang metro ang layo sasayaw sa musikang dala ng tadhana dala ng nagkukwentuhang lasing ilang hakbang lang ang layo sasayaw sa musikang dala ng tadhana dala ng sipol ng hangin nagbabanta ng paparating na ulan sasayaw sa kabila ng mapanirang tadhana na posibleng isa sa ating ang mapilay o mapahiya dahil hindi na makasabay sa ritmo at giling sa musikang dala ng tadhana patayin ang musika kagaya ng pagpatay sa nararamdaman hindi na ulit ako sasayaw kung hindi ikaw ang kasama
0
Mar 18, 2021
Mar 18, 2021 at 8:36 AM UTC
sayaw
dilaw na dyaket ang suot mo noon habang ako ay nananahimik hindi makaimik at pinagmamasdan ang bawat sinag ng dapithapon na sinasala ng kinulayang bintana kung saan ay sa aking mga mata na ngayon lamang nakakita ng ganda ay biglang napatunganga dilaw na dyaket ang suot mo noon at ang unang naitala sa listahan ng mga napuna ng aking mga mata at biglang napatunganga na nga nang dahil sa bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng dilaw na dyaket **** naisipang ipakita sa silid ng mga kaluluwa mga kaluluwang akala ko ay mabibigyan kong buong pansin ngunit heto, napatitig na rin ako'y napatitig na rin napatitig sa dilaw na dyaket mo at hindi ko mawari kung paano pero ang dilaw na dyaket **** nakabalabal sa iyong kay liit na katawan ay humihila pababa sa iyong mga balikat nakakibit hindi man lang kayang mapaakyat ang iyong pagpapakalálo napapaliit ang tikas ng iyong pagkatao hindi ko rin mawari kung paano pero ang dilaw na dyaket mo ay para bang napabalabal na rin sa akin at mula noon, ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng aking puso ay handa nang aminin na ikaw ay naging isang anghel ang dilaw na dyaket mo ay naging iyong halo at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa nito ay naging mga pakpak mo at ikaw ay naging isang anghel ika'y naging anghel sa aking isipan marikit na imahe sa aking kaloob-looban munting sigaw sa buong kalawakan o, munting anghel ko, nais ko na sanang isigaw: nakikita mo ba? nakikita mo ba kung paano kita nakikita? nakikita mo ba kung paano kita sinasamba? nakikita mo ba kung paano kita sinisinta? oo, sinisinta, dahil munting anghel ko, o, mahal kita mahal kita, o, munting anghel ko mahal kita at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng iyong pagkatao mahal kita at ayaw kong manatili ka lamang sa isipan ko mahal kita at nais kong ako ang magpabalabal sa iyong puso at nais kong ako ay maging iyo at nais kong mahalin mo rin ako ngunit, o, munting anghel ko, natakot ako natakot ako na kung ilalahad ko ang lahat ng mga ligaw na alaala ko sa iyo ay huhusgahan mo ako kung hayaan kong buksan mo ang aking mga pinto ay matatakot ka nang makita mo ang nilalaman nito kung ipakita ko sa iyo ang lahat ng mga tupi ng manggas at mga kusot ng bulsa ng aking puso ay magugulat ka at lilisanin mo ako kaya heto, ang munting anghel ko ay nanatili sa isipan lamang ang marikit na imahe ko ay nanirahan sa kaloob-looban lamang ang munting sigaw ko ay naging bulong lamang isang bulong na nagsasabing: o, munting anghel ko, mahal kita, o, munting anghel ko, pangarap kita, ngunit, o, munting anghel ko, natatakot akong sa piling mo'y ako'y madulas at tuluyang mawala ka. maroon na dyaket ang suot mo kanina noong ako ay naarawan ng sikat ng umaga at ng tawa ng ilang mga kahalubilo't kasama at naroon sa gitna ng aking sariling mga tawa ay nakita kita ngunit may kasamang iba at siya'y ika'y inakbayan at ika'y siya'y nginitian at ako'y napaisip nang biglaan kayo ba? kayo ba? kayo ba? napakwento ang kaibigan ko: alam mo ba, ganun na nga sila na magdadalawang-linggo na. hindi naman sa nasaktan ako pero parang ganoon na nga. hindi naman sa napatigil bigla ang tibok ng puso ko pero parang ganoon na nga. hindi naman sa nadurog ako nang mapansin ko na ang sukat ng maroon na dyaket mo ay mas sakto sa iyo at hindi niya nahihila pababa ang iyong buong pagkatao at siguro ito ay dahil siya ang kasama mo at hindi ako kaya para bang siya na ang nakabalabal sa iyong puso at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng kaniyang puso ay napaibig na sa iyo— pero parang ganoon na nga. ganoon na nga dahil kayo na nga kayo na kayo na kayo na. ganoon na nga dahil siya ang kasama mo hindi ako hindi ako hindi ako. siguro kung hindi ako natakot siguro kung hindi ako natakot na ilahad ang lahat ng mga ligaw na alaala ko sa iyo ay hindi ka na mananatili lamang sa isipan ko siguro kung hindi ako natakot na hayaang buksan mo ang aking mga pinto ay mapapabalabal ko na ang iyong puso siguro kung hindi ako natakot na ipakita ang lahat ng mga tupi ng manggas at mga kusot ng bulsa ng aking puso ay ako na'y magiging iyo siguro kung hindi ako natakot na madulas sa piling mo ay mamahalin mo na rin ako ngunit ayan na nga, o, munting anghel ko, natakot ako at ayan na nga, o, munting anghel ko, lahat ng ito ay hindi ko na nasabi sa iyo at ayan na nga, o, munting anghel ko, baka tuluyan nang mawala ang dilaw na dyaket mo sa buhay ko maroon na dyaket na ang suot mo ngunit ang dilaw na dyaket mo pa rin ang nakatatak sa isipan ko at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng dilaw na dyaket mo ay nakabalabal pa rin sa aking puso aking puso na nadurog, at patuloy na nadudurog hanggang ngayon nang dahil sa dilaw na dyaket na suot mo noon dahil sa dilaw na dyaket na suot na ng iba ngayon
0
Feb 9, 2020
Feb 9, 2020 at 11:47 PM UTC
Dilaw na Dyaket

Continue reading...
115
mananatiling takam sa'yong yakap at halik paano kung pagtingin ko sa'yo ay hindi mo ibalik? puno man ng kaba ang dibdib pipilitin ko parin na pumanik sa hagdanan ng puso mo na puno ng bubog at tinik
0
Jan 4, 2020
Jan 4, 2020 at 6:38 PM UTC
Paano?
mga halik mo'y lasang nikotina na nakasanayan ko'ng matikman sa tuwina kaya nang iniwan mo ko'ng mag-isa, aking sinta sa paninigarilyo'y nagsimula akong mahalina
0
Oct 25, 2019
Oct 25, 2019 at 7:25 PM UTC
Iyong Mga Halik
nalulungkot ako kapag nakikita ka na masaya oo, sa tuwing maligaya ka . . . . . . . . . . . . . sa piling ng iba....
0
Oct 5, 2019
Oct 5, 2019 at 8:07 PM UTC
bakit kaya?
Mahal ko ang Pilipinas pero hindi ng walang kapintasan Mahal ko sya kahit traffic ay di nababawasan Mahal ko sya kahit talamak pa rin ang kahirapan At patuloy kong mamahalin Pagkat siya ang bayan ko na sinilangan Kahit problema nya sa droga ay hindi nalulunasan Kahit mga teritoryo pa nya ay unti-unti nang nababawasan Kahit mas marami pa sa tama ang mali sa aking bayan Mahal pa rin kita, Pilipinas Hinding-hindi kita iiwan
0
Sep 15, 2019
Sep 15, 2019 at 3:09 AM UTC
Ang Bayan Kong Pilipinas
Kung may bayad lang ang bawat pag-silay sa'yo Malaki na siguro ang aking pagkakautang Pag-ibig ko'y parang bangkay sa karagatan Hindi maitatago pagkat kusang lumulutang Nahulog na ang loob ko sa'yo Wala ng matatakasan na lagusan Humihingi ng pag-ibig mo Wag sana akong mapagdamutan
0
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 4:25 PM UTC
Pag-ibig
Wala akong pera pang-cab Kaya mas prefer ko mag-jeepney Ikaw ang hihilingin Kung sakaling makatagpo ng genie Lagi kang nasa ulo ko Parang paborito ko'ng suoting beanie Mahal kita Sheki Kahit na size mo ay mini
0
Sep 11, 2019
Sep 11, 2019 at 9:53 PM UTC
Sheki
Hipokritong maituturing Kapag sinabi kong hindi kita pinagpapantasyahan Di man aminin Pero alam sa sariling Gusto ang mga labi mo'y mahagkan At ang katawan mo'y matikman Sabihin man nilang Ito ay libog lang naman Pero sino ba'ng tao na hindi buang? Ang hindi maaakit sa tulad mo na magandang nilalang
0
Sep 11, 2019
Sep 11, 2019 at 8:27 PM UTC
Pantasya
Magsasampung taon na kitang mahal, mahal. (I've been in love with you for almost ten years, love) Ang tigas na siguro ng mga binti mo kakatakbo mo sa isipan ko. (You're thigh muscles toughened bec you always run on my mind) Pero mas masaya sana kung alam mo, mahal, na mahal kita. (But I could be happier, love, if you just know that i love you.) Pero di pa, di ko pa kayang sabihin sayo, baka siguro balang araw, kapag lahat ay huli na. (But no, i still cant tell you, maybe someday, someday when its all too late.)
0
May 31, 2019
May 31, 2019 at 2:07 AM UTC
Deymmmm!
Ano ang dahilan at tila Sumusulat ka ng tula Upang aliwin ba ang madla O sambahin ang mga dakila? Sapat nga ba ang aanihin Sa ihahasik na pagkain Ito nga ba ay diringgin Ng pusong malayo ang tingin? Kung tapos na ang simula Ano pa ang mapapala At kung wala nang manunula At patay na ang tula? Sino ang makikinig Kung higit na nananaig Sa kumpas ng aking bibig Ang maingay na sahig? Walang may nais umunawa Sila'y pagod na't nagsawa Nais ay mabilis na ginhawa Sa isip na nakakaawa JGA
0
May 10, 2019
May 10, 2019 at 3:44 PM UTC
Patay na ang Tula!
Kumusta mga kabataan Na pag-asa bayan, Ano ang dahilan Aral ay napabayaan? Isip ay nalason Ng banyagang layon Alisin ang tuon Sa aral ng nayon Nasaan ang tinig Ng tunay na pag-ibig Sa bayang natitigib Ng mapanirang bibig? Tila ba nakalimot Puso ay ibinalot Sa bagong aral na pulot Nagmistulang mga salot Walang pagmamahal Bayan na ng mga hangal Nasan na ang dangal Na turo ni Rizal? Halika na't magising Simulang tanawin Ang nagdaang ningning Ng Araw at Tatlong Bituin! JGA
0
Feb 20, 2019
Feb 20, 2019 at 7:50 PM UTC
Sa Aking Mga Kakabataan
Nagising mula sa maingay na telepono Tinig na bumabati ng isang maginoo Maligayang kaarawan saad ni Piccolo Bumangon ka na riyan at pumarito Katawan ay nakapako pa sa higaan O, bakit ba kay lambot nitong aking unan? Ang bumangon ay tila palaisipan At ang panaginip ay nais pang balikan Ngunit tatayo na upang mundo ay harapin Sa labas ng pinto katotohana'y malagim Sa likod nito ay papanhik pa rin Sapagkat ang tumanggap ay natutunan ko na rin Sa lugar kung saan ang lahat ay gaganapin Lahat ng handog at pagbati ay tatanggpin Ngunit tila nasa gubat at nag-iingat pa rin Sapagkat maging sa mga banal ay may ahas pa rin Sa wakas ang araw ay natapos na rin Bulong sa sarili na tila ba aantukin Ang araw na ito'y tiyak na lilimutin Nang taong sa tiwala'y may suliranin
0
Feb 20, 2019
Feb 20, 2019 at 4:55 PM UTC
Tiwala'y Suliranin
Buhay ang tula Dulo ay may tugma Mga salita'y umaakma Sa damdamin ng may akda Huwag ka'ng mabibigla At manatili na mamangha Sa mga liham na katha Na isip ang lumikha Ang pagsuyo ay makata Na walang pag-aakala Ang tiyakin ay abala Tiyak **** makikita Ang paksa ng tula Ay tiyak sa simula Suriin ang salita Sa puso ay nagmula Ikaw ay mapapaibig At titikom ang bibig Manlalambot ang bisig Sa tula na may tinig
0
Feb 17, 2019
Feb 17, 2019 at 6:59 AM UTC
Tula
Duguan ang puso kong sugatan. Ang puso kong napag-iwanan. Ang puso kong pinangakuan, pero hindi pinanindigan. Hindi ko maintindihan. Akala ko ba walang iwanan? Pero sinarhan mo ako ng pinto, Sumama sa iba, tinalukuran mo ako. Hindi na ba ako mahalaga Kaya pinili mo sila? Sila na nasa ibayong dagat, Na kahit malayo ay sa kanila ka tapat. Na kahit animo'y nahihirapan ka... Sa kanila ka pa rin pumupunta. Inay! Itay! Paano naman ako? Ako na naiwan dito. Mag-isa dahil wala ka. Mag-isang tinatahak ang aking buhay, Walang gabay. Walang kaagapay. Inay! Itay! Bakit natin kailangang maghiwalay? Bakit ba natin kailangang maghiwalay? Pera? Trabaho? Ang guminhawa ang buhay ko Kahit... wala kayo? Inay! Itay! Ganito na ba kahirap ang Pilipinas? Na ang mga magulang ko ay luluwas Magpapaka-alipin sa mga taong labas? Hahanap ng dolyar sa amo Dahil hindi sapat ang piso. Mag aalaga ng anak ng iba Habang naiiwan sa Pilipinas ang kanila. Inay! Itay! Umuwi na kayo. Nangungulila na ako.
0
Feb 14, 2019
Feb 14, 2019 at 8:25 AM UTC
D U G U A N
Kay tagal kong hinahanap ang sarili,patuloy parin ang lungkot at nananatili Ang isip ko'y gulong gulo , Akala ko'y kalmado na ang lahat , subalit meron parin akong lagnat Sakit na habang buhay ng nasa aking katawan , kinakain paunti-unti hanggang ako'y magpaalam, Utak ko'y sirang sira na pinagsama ko kasi ang lungkot at saya Ang alak na ngayo'y aking muling tinikman ganun parin ang lasa , lasa ng kalungkutan, Mga taong aking nakilala , aking iniwanan para lang mahanap ang kaligayahang inaasam-asam Bumuti lang ako ng ilang porsyento , bagkus may mga bagay na hindi perpekto Dahil ang ugat ng ito ay nakatanim sa aking pagkatao , kaya't hanggang ngayon ako'y isang Preso.
0
Oct 23, 2018
Oct 23, 2018 at 11:26 AM UTC
Taguan
Malamig ang hangin , kumukulog Mga taong tulog sa pagilid aking napapansin Malalakas pa naman sila dati pero napagod nadin Dating masasama ang motibo , naliwanagan ng positibo Simula pagkabata trato sayo hindi makatao Marangyang pamumuhay noon , isa na lamang litrato Naalala ko pa nga ang boses na galit at imahe nito Ako'y inis na inis subalit mali ang pagsagot ng apo Madalas ako mapagalitan siguro matigas nga ang aking ulo Kung dati madalas ko silang marinig sa mundong ito Ngayon tila isang panahon na lamang ang pagpaparamdam nito Lagi nalang silang nagpapahinga para matagal pa namin silang makasama
0
May 28, 2018
May 28, 2018 at 12:36 PM UTC
Ninuno
ayaw niya saiyo kaya tama na hindi pa ba sapat na ipinagtulakan ka niya? kahit anong pilit mo hindi ka mapapasakanya maawa ka naman sa puso **** wasak na wasak na tigilan mo na ang kahibangan mo pangarap moy hindi matutupad dahil siyay di para sayo madudurog at madudurog lamang ang puso mo sinasabi ko, siya ay para sa iba at hindi sayo tama na, maawa ka naman sa sarili mo uulitin ko wala kang mapapala dahil siya ay isang gago darating din ang tamang lalaki para sayo malay mo makasungkit ka ng sobrang gwapo
0
Apr 20, 2018
Apr 20, 2018 at 3:38 AM UTC
Tama na!
Sino ba ang mali? ako o sila? Palagi na lang ako ang nakikita. Mga bagay na ayaw kong marinig Mula sa mga labi nilang hayok kung magparinig. Nakakainins na talaga. Palagi na lang ako ang nakikita. Ako at ang mga mali kung ginagawa, Sa mata nila'y lagi na lang pabida. Nakakabingi na talaga. Mga salita nilang nakakasakit na tagala! Gusto kong lumaban para maibsan ang kasakitan Pero pag-iyak ang laging nagpapagaan.
0
Apr 20, 2018
Apr 20, 2018 at 3:33 AM UTC
Palagi na lang
Bayani sa bayan meron pa nga ba , tuluyan nga bang nawala o bulag ka lang talaga Nawawala na nga ba ang mga bayani o meron naman masyado lang tayong nagiging utak talangka, Sa bansang to hindi umuunlad , sinisisi ang gobyerno bakit hindi mo sisihin ang kapwa mo Kapwa mo mahal mo ano ka siraulo , dito sa bayan na ito hindi uso ang ganyang pagkatao Mas gugustuhin pa nilang kapwa ko mas angat ako , dahil ang sukatan dito ay estado nang pagkatao, Mahirap ka at walang salapi subukan **** ipaglaban ang karapatan mo , masama ang tingin saiyo Mayaman ka lumaban ka pera pera lang naman ang laban dito tiyak na ikaw ay mananalo Ganito sa bayan ko hindi balanse ang mga tao , kahit nga kumayod ka nang sobra sobra para makamit ang pangarap mo kung ang nasa paligid mo ay hihilahin ka pababa para lang bumalik ka sa simula at maging problemado, Ano sisihin mo lang kapwa mo?sisihin mo din sarili mo maghapon kang nakatunganga sa modernong teknolohiya hindi mo kayang mag reklamo sa ginagawa ng mga **** mo sa paraalan na nakatunganga din dahil hangad mo lang ay masarap na buhay at hindi mo hangad ang matuto sa paaaralang ito. Masyado ka nang nilamon nang sarap hindi mo danas ang hirap , tumingin ka naman sa ginawa nang mga nagpaaral sayo Naghirap sila humanap nang solusyon para lang ipamukha sayo na kahit malayo sila sayo o wala silang oras para sayo handa silang gawin ang mahirap na trabaho at kahit kokonting oras lang ang ibigay nila para makasama mo, makita ka lang masaya at masaksihan ang tagumpay nang buhay mo, yun ang pinakamagandang sukli na ibibigay mo Napaisip ka na ba sa ginagawa mo , palagi ka nalang dada daig mo pa ang telepono na walang sumasagot tunog lang nang tunog,at Galit ka pa , todo dabog kapag di napagbigyan ang gusto mo .Puro nalang tayo ganyan maliit na bagay pinapalaki Bakit di mo tignan mabuti at pagaralan ang iyong sarili ang kapaligiran tama bang magreklamo nang magreklamo kung ang sarili mo nga hindi mo parin maitama , tandaan mo na ang buhay ay parang isang gulong pero minsan nangangamoy din pakiramdaman mo nang mabuti baka sunog na at amoy goma na ang gulong na sinasabi mo , tignan mo din kung yung hangin masyado nang madami ang lumalabas para naman sa susunod hindi ka puro pag aaaklas.
0
Feb 22, 2018
Feb 22, 2018 at 10:39 AM UTC
Hatak,Ihip,Tago,Hanap

22