#payapa
Ako ay nanalangin
Nagsusumamo na ito ay dinggin
Puso sana inyong gamutin
Para ang kapayapaan ay aking makamit
Haplusin mo sana ang puso ko
Sapagkat ito ngayong nagdurugo
Galit at hinanakit ang nag uumapaw
Kabaitan at pagpapatawad ang sana'y umibabaw
Payapang puso ang nais ko
Ikaw kaibigan ito din ba ang gusto mo?
Halika dito, mgdasal tayo
Ano man paniniwala mo, pero alam ko iisa tayo.
Mar 10
Mar 10, 2026 at 5:31 AM UTC