Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#parakaydiane
Sabay nating binili ang pula Na doon siya namang nagmula Ng pagkulay ng aking puso't mundo Noong sinabi nilang couple shirt tayo Dama ko namang Sinama mo lang Kaibigan natin Para di siya iwan. Dama ko namang May nararamdaman Ang inosenteng puso mo Na ako namang tinanggap ito Lubos akong natuwa Sa kadahilanang inalay mo Ang puso mo Sa isang nilalang na katulad ko Kaya sa araw na pula Papangitiin ka hanggang mamula mula Mga pisngi **** kay ganda Sa tuwing ngingiti ka Ano ka ba Bakit mo ito ginagawa sakin Akoy lalong nahuhulog Sa tuwing nakikita kang nakangiti Kaya sa araw na pula Papangitiin kita lalo Hanggang pisngi mo'y mamula mula Kahit hindi ko na sabihin sayo ako'y lalong nabibihag mo. Kaya puso ko'y kulay pula Dahil sayo binigyan **** kulay Ang puso kong dating patay na Kaya namang nasulat ang tulang pula Dahil namula narin ang puso kong dati namang hindi kulay pula.
0
Mar 7, 2020
Mar 7, 2020 at 6:37 AM UTC
Pula
Mahal, pasensya. Alam kong galit ka Ngunit sana'y pakinggan mo ito Kahit mainit ang dugo mo sa akin Ako'y nananalangin na mabasa mo ito Dahil gusto kong humingi ng pasensya Pasensya dahil nasaktan kita Hindi ko pinakinggan ang sagot mo Sa araw na iyon Kung kailan pinaka kailangan kita Mga salitang walang kapantay Mga salita **** walang arte Lahat sila diretso Mas diretso pa sa Pagsasalita ko Pasensya dahil natagalan ka Hindi ko naman sinasadya lahat ng ito Ayoko lang masaktan ka Ng ibang tao Dahil mas masakit ang salita Kesa sa mga gawa Ngayon pasensya Mahal Sana'y tanggapin mo Dahil ito nalang ang alam kong Daan para masabi ko Lahat ng nararamdaman ko saiyo Dahil ako'y Nauutal at kinakabahan Sa tuwing kausap kita Para bang may mawawala Sa buhay ko Sa kada salitang Sasabihin ko. Kaya mahal ko pasensya Mahina ang loob ko Subalit malakas naman yung Nararamdaman ko para sayo At doon ka sana'y Maniwala. Mahal, pasensya.
0
Mar 6, 2020
Mar 6, 2020 at 11:23 PM UTC
Pasensya
Sa isang istorya Na nagpapatunay na Mahal Kita Kwentong tayo ang lumikha , Ikaw at Ako ang nakakaunawa , Oh kay sarap ding'gin Kapag sayo nang gagaling Ngunit sa panaginip lang aasamin Tinadhana kaya ng maykapal O sagot sa aking mga dasal , Pinagtagpo bakit tila napakalayo Nagkasama bakit tila napakalabo Pagmamahal na iyong ipinaranas Lalasapin bawat oras Ikaw , Oo Ikaw Ikaw na minahal ko , Ikaw na inasam ko , ikaw na pinalangin ko , na sana'y din'gin mo Kahit na wala ako . Sadyang nakaka baliw ang mundo , Minsan nakakainsulto , Kung kailan mo natagpuan doon nasayang , Kung saan naging masaya doon biglang natapos , Kung kailan mo naramdaman ang buhay doon ka unti unting pinapatay Bakit ? Bakit ? Bakit may katapusan? Naging masaya pero bakit sandali ? Bakit kung kelan ako nakabuo ng kwento'ng tayo ang bida saka ka nawala aking istorya Iaasa pa ba sa panahon ? Isisigaw hanggang tumahan O Ipapaagos nalamang sa mga alon Hihintayin pa ba ang pagbabalik ng dati ? Noong Mahal mo ako at mahal kita , Noong sabay sa pagtawang walang humpay Mga ngiti **** pamatay Mga mata **** walang humpay na nakakapukaw ng atensyon Dating ako, ikaw, ang diyos at ang tayo Hanggang dito na lang ba ? Hanggang sa ala-ala nalang magiging masaya ? Hanggang dito nalang ba ang istorya ? Sa isang imahinasyon'g Ikaw na walang ako At tayong walang tayo?
0
Feb 22, 2020
Feb 22, 2020 at 7:01 AM UTC
Istorya
Mga sulat kong tula Mga sukat at tugma Hindi ba tumatak sayo sinta Mga gawa kong tula? Na sa iyo lamang ilalathala Mga maririkit na salita Mga nagtutugmang salita Hindi ka ba kinilig aking sinta? Hindi ba tumatak saiyong isipan mahal kong dalaga? Mga nakaka kilig na banat Bakit parang walang tama Sa iyong isipan at puso na dun naman patungo ng mga salitang pinagisipan ng tamang sukat at tugma Nakukulangan ka ba Kailangan bang deretsuhin ko na? Okaya isigaw ko pa? Na mahal kita sinta? Walang halong biro Dahil nahulog na sayo Kaya nung iniwasan mo na ako Parang nasa burol, napakatahimik ko Para bang nagluluksa ang sarili ko Nawalan ng ngiti ang labi ko Umaasa parin na tumatak sayo Sinta ikaw lamang gagawan ng obrang ganito Dahil nakakaiba ka sa ibang mga dalaga mahal ko Kaya lahat ng itong sukat at tugma Mga obrang pinagisipan ng mahaba Kahit ayaw mo na, sayo parin ilalathala.
0
Mar 1, 2020
Mar 1, 2020 at 4:39 AM UTC
Tumatak
Bawat sulyap na nagaganap Bawat ngiti **** napapangiti rin Nagpapanggap na walang nakita Subalit puso ko'y puputok na Mga pisngi **** mala siopao Napapangiti mga labi ko Pinapakabog puso ko Wag kang ganiyan Ayaw kong mapunta ng ospital Wala ka bang nahahalata Hindi mo ba napupuna Mukha ko'y namumula Kapag tinutukso nila ako sayo Ikaw lang at wala nang hahanapin pa Kapag kasama ka, kasabay ka, makapiling ka Araw ko'y kumpleto na Sa bawat tingin mo'y Nabibihag ako Sa bawat sulyap ko Nahuhulog lalo Kaso Hindi ka na malapitan Hindi mo na rin ako pinagtutunan ng pansin Pero gagawin parin sumulyap Dahil Nabihag mo ako sa simpleng ngiti at Di ko maiwasan na ika'y titigan Mahal kong siopao Nakaw tingin nalamang sayo. Itong mga nakaw tingin Aking pagyayamanin Dahil dito'y nakukumpleto Na ang araw kong laging malungkot.
0
Feb 29, 2020
Feb 29, 2020 at 6:40 AM UTC
Mga nakaw tingin
Ikaw. Ikaw. Ikaw ang naging inspirasyon ko para magpatuloy. Binigyan mo ako ng lakas para muling humakbang, maglakad.. Magsulat.. Bumangon... Sa mga araw na sunod sunod ang dagok ng panahon na tumulak sa akin padapa.. Sa mga oras na panay ang udyok ng mundo na tumigil ako sa pag galaw.. Sa mga sandali na nasimulan ang pagdududa sa aking sarili na baka nga hanggang doon nalang ako.. Na tila may gumagapos sa aking mga paa at humihila sa akin pailalim.. Dumating ka. Iniabot mo ang iyong kamay.. at isinama mo ako. Isinabay mo ako sa paglakad mo.. kumapit ako sayo at Ipinakita mo na marami pa palang daan.. Na kaya ko pang bumangon at maglakbay kaya't isinama mo ako. Kahit na may ilang beses na matarik ang daan at hindi ako makasabay, nagsilbi kang gabay sa aking unahan at hindi mo hinayaang maiwanan ako sa paglalakad pasulong. Binigyan mo ako ng pagkakataong sumunod sayo.. at humabol.. Kahit kapalit nito ay ang pagbagal ng lakad mo.. kahit na para bang naaabala na kita.. Ipinaalala mo na normal lang ang mga bato at putik sa ating nilalakaran.. Normal lang na ika’y pawisan.. Magalusan.. Magkamali at maligaw ng daan.. at minsan pa'y sasabayan ito ng ulan kaya't may mga panahon na hindi mo makikita kung saan ka na ba patungo. Madudulas ka.. Matitisod.. Madadapa.. Ngunit hindi dapat dito magtapos ang paglalakbay dahil ang hirap at pagod ay may kasunod na dalisay na ginhawa.. Doon sa tuktok.. kasama ng mga ulap at ng hangin.. At kahit na ika’y hingalin ay mapapawi ito ng ligaya na iyong madarama sa oras na tumapak ka na sa pinaka itaas.. Sa wakas.. Nakita mo na kaya mo palang lagpasan ang mga hirap at pagod na ngayo’y iniwan mo na sa ibaba.. Sa lupa.. Kasama ng kay gandang mga balangkas ng tanawin na hinubog ng mundo upang ipakita sa iyo sa mismong pagkakataong ito.. Sa entablado ng daigdig kung saan abot kamay mo ang himpapawid. Ipinaalam mo sa akin na ito ang kapalit ng mga pagsubok na araw araw nating hinaharap. Ito ang sandali na ipadarama ng kalawakan na katulad ng oras.. Ay lumilipas din ang lungkot.. At ang kailangan ko lang ay kumapit pa ng mahigpit.. Manalig.. At maghintay at di maglalaon ay darating ang pagkakataong ito. Kung saan magkasingkahulugan ang sandali at kailanman.. Dito sa tuktok.. Kasama ng mga ulap at ng hangin.. Sinabi mo na hindi ako nagiisa.. Dahil kasama natin ang langit.
0
Feb 27, 2020
Feb 27, 2020 at 9:31 AM UTC
Ikaw

Continue reading...
21
Dalawang bituing kumikislap-kislap sa gitna ng dilim Tambal ng aliw na sasayaw-sayaw sa tuwing ako’y naninimdim Bukang-liwayway ng isang pagsintang walang kupas Takipsilim ng isang pusong di magtataksil
0
Feb 26, 2020
Feb 26, 2020 at 9:11 PM UTC
Mga mata ni diane
Di ko alam kung paano ko gagawin, Ako'y di mapakali, sa aking aaminin, Dahil ako'y kinakabahan, Mga ginagawa ko'y baka di mo magustuhan. Dahil ito lang aking makakaya, Sa kasamaang palad ito lang talaga, Itong aking mga kalatas at tula, Ito lang at wala nang iba. Damdamin ang naging panulat, Inspirasyon ang syang nagtulak, Musika ang sa aki'y umalalay, Sa katahimikan ng umagang walang kapantay. Di lahat ng tula ko ay iisa ang balak, Yung iba'y para lamang ika'y humalakhak, Ngunit di ko alam kung ako'y matagumpay, Upang mapasaya ka ng tunay. Kay rami nga ng aking naiisip, Mga "sana", parang panaginip, Inaasam, nais makamtan, Kahit yung man lang, mapagtagumpayan. Sana ikay napasaya ko, sana napangiti ka kahit papano, Sana naunawaan mo, Mga sanang tulad nito. Sana tanggapin mo, Sana paniwalaan mo, Sana pagpasensyahan mo, Sana, sana, sana, hay nako. Sana man lang naramdaman mo, Ang damdaming ikinubli ko, Sa mga salita ng aking tula, Na sana, sa puso mo'y tumama. Sana man lang ika'y aking naantig, Sana man lang ika'y aking napakilig, Sapagkat di kaya ng aking mga bibig, Di kayang sabihin, minsa'y nanginginig. "sana" na higit sa aking pang-unawa, Tulad ng "sana makuha ko rin ang iyong paghanga", Ngunit iyo'y parang isang malayong tala, Hanggang tingin nalamang, mata ko lang ang nakakakita. Di ko alam kung ito'y panunuyo na ba, Liniligawan na ba kita? Dahil di ko alam sa sarili ko ang totoo, Ang alam ko lang, ikaw ang tanging gusto. Ako'y natatawa, Ang landi ba naman nitong binata, binatang naghahangad na sana, Sana sa tamang panahon, ika'y kanyang makasama. Ang pinapangarap nyang dalaga.
0
Feb 25, 2020
Feb 25, 2020 at 3:56 AM UTC
Mga nais sabihin sa isang dalagang nagngangalan diane

49