Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#pangaraplangkita
"Mabuti pa sa loto may pag-asang manalo. 'Di tulad sa'yo imposible." Napakaimposibleng mapa sakin ka Wala pa akong napapatunayan sa mga mata ng masa Ang pag-ibig ko sa iyo Ay parang pagsusugal sa loto Alam kong malabong ako'y manalo Alam kong maaari akong matalo Pagmamahal ko'y ipaparamdam sa iyo sa pamamagitan ng mga galaw ko Sapagkat ako'y nauutal kapag ikaw na ang nasa harap ko. "Prinsesa ka ako'y dukha. Sa TV lang naman kase may mangyayari." Nakatira ka sa isang palasyo Isang paraiso Nababagay roon ang mga anghel na katulad mo Wala pa man sa kalagitnaan ng digmaan, batid kong ako'y bigo. Gusto kong mapunta sa ibang dimensyon ng mundo Kung saan maaaring maging tayo Ngunit mukhang tama nga sila Sa telebisyon lamang nangyayaring magsama ang pulubi at prinsesa. "At kahit mahal kita, wala akong magagawa. Tanggap ko, oh aking sinta. Pangarap lang kita." Ilang ulit na akong sumubok na ipabatid sa iyo Ilang ulit na rin akong nabigo. Wala ng ibang paraan Kundi lumisan Nawa'y mahanap mo ang tamang tao para sa iyo Hindi ka nararapat sa isang katulad ko Tanggapin na lamang na tayo'y magkaiba Hanggang pangarap lang kita.
0
May 20, 2020
May 20, 2020 at 3:46 AM UTC
I. Pangarap Lang Kita
"Ang hirap maging babae kung torpe 'yong lalake. Kahit may gusto ka 'di mo masabi." Sa tagal ng ating pinagsamahan Nagdadalawang isip kung totoo ba ang nararamdaman Bakit hindi mo masabi sa akin ng diretso? Bakit natatakot ka sa opiniyon ng ibang tao? Mga galaw **** may dobleng ibig sabihin Hindi alam kung ano ang nais **** iparating Kaya naman patago din akong kinikilig Habang sa mga braso mo'y nakahilig. "Hindi ako 'yong tipong nagbibigay motibo. Conservative ako kaya 'di maaari." Kilala akong dalagang Pilipina Iniingat-ingatan ko ang aking hiya "Babae ako kaya ikaw dapat ang mauna" Iyan ang akala kong noon ay tama. Ngayon ito na pala ang huli Sana'y nilubos ko na ang bawat sandali Sa tinagal ng panahon, Sasabay ka rin pa lang lilisan katulad ng nangyari sa akin kahapon. "At kahit mahal kita wala akong magagawa. Tanggap ko, oh ang aking sinta. Pangarap lang kita." Magkaiba nga tayo ng mundo Ngunit wala akong ibang gusto. Sana sa susunod na pagkikita Tayo na ang para sa isa't isa Mahal kita ng sobra Kung iyan ang desisyon mo'y hindi na kita pipigilan pa. Napagtanto ko na, Hanggang pangarap lang kita.
0
May 20, 2020
May 20, 2020 at 3:48 AM UTC
II. Pangarap Lang Kita