Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#panahon
Ilang buwan Ilang taon Gaanong panahon na ba Ang lumipas Simula noong Huli akong sumulat? Ilang buwan Ilang taon Gaanong panahon na ba Ang nagdaan Matapos ang gabing Itinigil ang paglathala? Ilang buwan Ilang taon Gaanong panahon na ba Ang lumipas Matapos maghilom Ang pusong nawasak? Ilang buwan Ilang taon Gaanong panahon na ba Ang lumipas Nang matapos ang luha Sa pagpatak? Dalawang buwan Isang taon Ganoong kahaba na Ang panahon na lumipas Itinigil ang pagtangis Pagtanggap pala ang siyang lunas
0
Aug 17, 2022
Aug 17, 2022 at 12:22 PM UTC
k a y t a g a l n a
Sa may dulo, ako'y nakatingin sa malawak na tanawin. Tinatamasa ang malamig na hangin, na animo'y dinadala ka sa ibang parte ng mundo. Na kung saan ika'y nakakabit sa malaningning na mga bituin. Hndi alam kung ano at sino ka, pero darating ang panahon na ika'y dadalhin nang tadhana sa aking mga bisig. Hindi man ngayon, pero handa akong hintayin ang tamang oras. Tamang oras na kung saan bawat puso'y sasaya at walang hanggang pagmamahal. Naniniwala akong darating din sa atin ang tadhana. At sana, sa pagkikita natin ay handa nang lumaban,magtiwala, at magmahal nang tunay. Hihintayin kita!
0
Jun 4, 2021
Jun 4, 2021 at 3:59 AM UTC
Hihintayin kita
Naalala mo ba? Panahong pinagmasdan kita Ika'y nailang at biglang natawa Sabay sabing, "May problema ba?" Naalala mo ba? Yung kwentuhang walang hanggan Tila hindi alintanang gabi na Masyadong maikli ang oras na nakalaan Naalala mo ba? Sinabi kong, "Walang maiinlove ha." Ngumiti ka at nangako Pero nagkamali pala ako Ako'y nahulog sa'yo Ngunit di mo sinalo Kasi hindi naman ako Ang taong gusto mo
0
Feb 4, 2021
Feb 4, 2021 at 9:31 PM UTC
Naalala mo ba?
Kung pwede ko lang maibalik ang panahon Sana ang buhay ko'y hindi naging patapon Kung pwede ko lang maibalik ang panahon Sana ang aking buhay ay na ahon   Ngunit hindi na mababalik ang kahapon Kung pwede lang sana Hindi na sana nagkamali pa Kund pwede lang sana Hindi na sana naubos ang luha Ngunit wala nang pag asa Nabanggit ang mga salita Na nakapagbago sa atin dalawa Nabanggit ang mga salita Na nakapagbago sa ating saya Saya na hindi na makikita sa ating mga mukha Bakit pa nag mahal Kung masasaktan din naman Bakit pa nag mahal Kung aalis din naman Sana hindi mo na lang ako minahal Sana ay hindi na nangako Kung mapapako din naman Sana ay hindi na nangako Kung mag lalaho din naman
0
Mar 10, 2018
Mar 10, 2018 at 11:13 AM UTC
Untitled
Anong iyong pinagmamadali Malawak ang daan at ikaw lang ang katabi Rinig ang bawat galaw ng ibon sa langit Ang pagaspas ng hangin Bigyan mo ng kaunting panahon Ang pagtingin sa kinaroroonan mo Hayaang bigyan ng kahulugan ang paglapit Sa bawat segundo ng oras na binigay satin
0
Jan 12, 2018
Jan 12, 2018 at 5:39 AM UTC
sandali
Panahon na Panahon na para sumulat ako Panahon na para ihayag ang nararamdaman ko Panahon na para idaan sa tugmaan ang dahilan Dahilan kung bakit ayon sa kanila ika’y aking nasaktan Napakatxnga mo Para kang gxgo Sxraulo Txrantado Oo, minura kita kasi di kita kayang mahalin Napakatxnga mo para ako ang piliin Pipili ka nalang kasi ba’t ako pa Oo, magmamahal tayo, pero di sa isa’t isa Sige, balikan natin ang simula Yung bago pa lang ako dito at mukha ako nung txnga Yung kakalipat ko pa lang at wala pa akong kilala Yung first day ko na walang kamuwang-muwang, padukot-dukot lang ng cellphone sa bulsa Yung di mo naman sinasabi pero umabot sakin ang balita Gusto mo ako, di kita gusto Lumalapit ka, lumalayo ako Nasaktan kita… hinayaan mo ako Kung inakala mo wala akong pakialam, nagkakamali ka Kung inakala mo mapaglaro lang ako, nagkakamali ka Kung akala mo pinaasa lang kita, di ‘yon totoo Ang dapat lang na malaman mo… Sinubukan ko Sinubukan ko ang alin? Txngina alam mo na yon Sabi nila natuturuan raw magmahal ang puso Piliin mo yung nagmamahal sayo Kasi natuturuan naman magmahal ang puso May kulang Piliin mo yung may gusto sayo Kasi natuturuan naman magmahal ang puso Uulitin ko, may kulang Piliin mo yung may pagtingin sayo Kasi natuturuan naman magmahal ang puso Pxta kayo kulang-kulang mga pinagsasasabi nyo Natuturuan magmahal ang puso pero iba ang magtuturo Natuturuan magmahal ang puso pero di ikaw ang gagawa nito Oo, natuturuan magmahal ang puso pero ibang tao ang magpapatibok dito Paano ko nalaman? Nasabi ko na, sinubukan ko Sinubukan kong gustuhin ka pero di ko magawa Pinilit na ibalik ang pagtingin pero hindi ko kaya Talagang hanggang kaibigan lang tayo Mali! Hanggang kaibigan lang, walang tayo Magiging totoo lang ako Hindi ko ‘to ginusto. Pati ikaw Di rin kita gusto Sasaktan na kita kasi sasabihin na naman nila pinapaasa kita Baka ikaw meron, pero ako walang pake sa sinasabi nila May pake ako, sa’yo May pake ako sa’yo kaya alam ko na di ako yung lalaki na nakatadhana para ibigin mo Di kita gusto, at alam kong di mo na rin ako gugustuhin pag nakita mo to Walang may alam kung kailan mo to makikita Anong taon, pang-ilang dekada Huling mga linya, kung binabasa mo to, alam mo na kung sino ka, pasensya na sinubukan ko pero wala talaga At least kaibigan na kita
0
Oct 29, 2017
Oct 29, 2017 at 11:00 AM UTC
PANAHON NA

Continue reading...
57
Kay bilis din ng panahon aking kaibigan Tulad ng paglaho ng pangalan mo sa inbox ng cellphone na gamit ko Na dati ay napupuyat upang makatext lamang ang isang tulad mo Ngayon ay nagtatanong kung mayroon ka pa ba ng mga numero ko? Kay dali nga siguro lumipas ang oras Tulad ng chat box sa facebook na hindi na kita mahanap Na noon ay laging nasa unahan at puno ng tawanan ang nilalaman Ngayon ay tila nalulumbay at ayaw tumahan Salamat sa lahat ng mga alala na ito aking mahal Masaya akong ulit ulitin ito sa aking isipan Huwag ka mag alala dahil ako ay hindi nangangamba May langit pa naman, kung saan walang time limit ay makakapiling ka.
0
Oct 2, 2017
Oct 2, 2017 at 12:04 AM UTC
Dali-dali
Ikaw, Ang Kahapon, Ngayon, At Bukas.
0
Mar 1, 2017
Mar 1, 2017 at 10:08 AM UTC
Mapanahon
Tangan ang mga halik mo Sa aking palad umaagos Ang damdamin minsan ay umalab Parang sigarilyong nauupos Dahan-dahang nauubos Kaya nga bang balikan ang kahapon Binaon na natin sa kahon Katulad ng mga dahon Nalanta at di na makaahon Kaya pa nga bang ibalik ang kahapon Sa saliw ng mga puso natin Ngayon ay uhaw sa pagsintang Naudlot ng pagkakataon -Tula III, Margaret Austin Go
0
Nov 20, 2014
Nov 20, 2014 at 5:24 AM UTC
Tula III