Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#panaginip
Pakiusap, sinta ko, baka ang aking mga mithiin ay napag-alinlangan. Ngunit nanumpa ako sa iyo—at sa aking sarili—na maghahanap ng lunas sa halip na sumuko. Hindi ito bugso lamang ng pagkahaling, O mababaw na paghanga lamang; Huwag mo akong ituring na hungkag o walang pakiramdam. Nauunawaan ko ang diwa ng pagmamahal, bagaman hirap akong arukin ito. Sa kabila ng pagsusumikap kong patusin ang mga tanikala ng puso, Nabigo ako—pagkat nananatili akong bilanggo ng pag-ibig mo. Anuman ang idulot na pagkawasak, kahit pa magkahiwalay ang ating mga landas, Hahanap-hanapin ko ang iyong piling, maging sa katahimikan ng kamatayan. Kaya’t ipinamamanhik ko sa iyo: Huwag mo akong talikuran; huwag mo akong hayaang mabulid sa kawalan ng pag-asa. At huwag mo ako bibitawan dahil magkikita tayo pagkatapos ang kamatayan natin dalawa
0
Feb 27
Feb 27, 2026 at 8:07 AM UTC
Huwag mo akong bibitawan
Pagtulog na lang ang pahinga Pag gising, ikaw ang laman ng isip, ngunit Pagkapikit ng mga mata Pag-ibig mo pa rin ang hanap sa panaginip. Sa gabi'y isang bangungot; Sa araw'y malabong imahinasyon Samantalang ang pinakamasalimuot— Sabik akong magkatotoo lahat ng 'yon.
0
Mar 21, 2021
Mar 21, 2021 at 2:48 PM UTC
Prinsesa
Mahal, kumusta ka? Ako ay masaya sapagkat panaginip kita. Mahal, masaya ka rin ba ? Ano bang nadarama mo? Sana’y nalalaman ko. Mahal, nandito lang ako.. Sana andito ka rin, nandito sa tabi ko. Ngunit alam ko na kahit ako pa’y manalangin hinding-hindi ka na posible pang mapasaakin. Mahal, bakit ka lumisan ? kaunti na lamang ay akin nang maaabutan. Kaunti na lang mayayakap na kita ngunit pagdating ko nakaalis ka na. Tuluyan nang nawala. Nawala ka, dumating ako. Tumakbo ako palapit, tumakbo kang palayo. Bakit ba hindi man lang tayo nagtagpo? Bakit ba umakyat ka na noong bumaba ako? Ngunit ganoon pa man ay panaginip kita. Kung pwede lang manatili ay ginawa ko na. Kung pwede lang matulog nang mahimbing, gagawin kong talaga... Ayoko nang magising, panaginip kita.
0
Jun 11, 2020
Jun 11, 2020 at 2:44 AM UTC
Tinadhana Ngunit Hindi Pinagtagpo
Halika't dadalhin kita sa palasyo Ipagbibihis kita't ipagluluto Ang lahat ay tatalima sayo Sapagkat ikaw ang reyna sa palasyo Walang suliranin na darating sa atin At ang lahat ay magiging atin Ang lahat ay magagawa natin Maging ang oras ay susunod sa akin Lilikha ako ng maraming bituin Ang lahat ng iyon ay kaya Kong bilangin Madali kahit maging ang buhangin Dahil hawak ko ang oras natin Hindi ka luluha at masasaktan Dahil tatangalin ko ang kamatayan Hinding hindi kita pababayaan Kahit magising pa sa katotohanan Halika na at tayo na ay uuwi Sa kaharian kong ako ang hari Pangakong hindi ako hihikbi Sa pagka gising ko sandali. -JGA
0
Mar 23, 2020
Mar 23, 2020 at 11:52 AM UTC
Aking Mundo
Roses are red Violets are blue I'm awkward and stupid But I still dream of you
0
Feb 24, 2019
Feb 24, 2019 at 9:22 AM UTC
I still dream of you
ako'y pupungas-pungas ngunit pinili ang mata'y isarado pinilit matulog, nagbabakasakaling ang payapang panagip ay bumalik; ako'y nasa lugar na nais sa lugar na lahat ay tunay, sa lugar kung saan walang madla, sa lugar na malaya at walang nakakakita ng tunay na nadarama sa likod ng ngiting pinapakita. nakaupo sa pino ngunit puting buhangin, pinagmamasdan ang tulog na ulap sa likod ng mga kumikinang na bituin, at pinapakinggan ang tila walang sigla na hampas ng alon sa dalampasigan isip ko'y binabaha ng mga salitang hindi mailabas, sa tahimik na lugar na nais nagtanong sa sarili, "mayroon pa bang saysay itong buhay na walang halaga?"
0
Feb 12, 2019
Feb 12, 2019 at 1:02 AM UTC
isla
Kung may didinggin man na isang panalangin, Maari bang hindi nalang magising? Kung ito man ang huling sandali, Gusto ko ng magbakasakali.
0
Sep 30, 2018
Sep 30, 2018 at 12:10 PM UTC
Panalangin.
Hawakan mo aking kamay Magpadala sa agos ng buhay Huwag sayangin ang oras Huwag hayaang lumipas Mga sandaling kay saya Mga araw na malaya Tila wala ng bukas pa Sa mga kamay mo aking sinta Ngunit ako'y nagising Sa isang panaginip Wala ka sa aking piling Hinanap ka sa paligid Lumipas ang mga sandali Nakita ang mga mali Nawala ang lahat sa isang saglit Nakitang ako'y pinagpalit Namasdan ang iyong saya Namasdan na ika'y malaya Masaya, malaya sa piling ng iba Lahat ng yon ay panaginip lang pala
0
Aug 21, 2018
Aug 21, 2018 at 2:15 AM UTC
Panaginip
naaalala ko ang lamig ng tubig sa mga balikat natin mga oras na tumigil ka sandali, at sumuko tinanong mo ako tungkol sa mga panaginip ko kagabi sinusuklian mo ako palagi ng ngiti
0
Jun 8, 2018
Jun 8, 2018 at 5:45 AM UTC
Untitled
Gabi-gabi Sa unan ay dali tumatabi, Nananabik Mata'y pumikit, Bibig humilik, Panaginip Kitang mahagkan at makapiling.
0
Jul 17, 2015
Jul 17, 2015 at 3:58 PM UTC
Panaginip
Ang sarap isipin Na ika'y kapiling Sana'y di magising Sa mulat na panaginip Atin may gustuhin Ito'y totohanin Ngunit di natin kakayanin 'Wag natin pilitin Panatiliin na lang itong Mulat na panaginip.
0
Jul 12, 2015
Jul 12, 2015 at 8:49 AM UTC
Mulat na Panaginip