Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#pakipot
Ang hilig mo magbilang eh 'no? Kung ilang beses ako lumalabas Kung ilang bote ang tinutungga ko Kung ilang stick ng yosi ang nagamit ko Kung ilang tao kausap ko Kung ilang bagay ang naitulong ko Kung ilang salapi ang naiaambag ko Kung ilang araw kitang hindi pinapansin Kung ilang oras akong nawawala Kung ilang beses ako nagkakamali Binibilang mo talaga ang lahat eh 'no? 'Di ka ba nahihirapan? 'Di ka ba nagsasawa? Samantalang ako, binibilang ko lang 'yong mga panahong pinaramdam **** mahal mo ako, at sa totoo lang di ko na kailangang magbilang- Dahil alam kong minamahal mo ako simula pa noon hanggang ngayon. Ang ingay mo talaga eh 'no? Hayop ka, mahal kita.
0
Jan 18, 2019
Jan 18, 2019 at 11:40 AM UTC
Binibining Nagbibilang
Hay nalang pag-ibig, Kailangan pa ba ng taga-usig? Pero sana hindi na, Sana maintindihan ko 'to nang mag-isa. Hetong salita na ito, oo, Talagang sakit sa ulo, Sinasabing ito daw ako, Ha? seryoso ka? ako? inlababo? Di ko maintindihan, Google aking kinailangan, Buti nalang hawak nya ang kasagutan, Kasagutang gumimbal sa aking katauhan. "In love" ang nasabing kahulugan, Diyos ko po, ako'y inyong tigil-tigilan, Nahihibang na yata kayo  aking mga kaibigan, Pero sa katotohanan di ko rin alam ang katotohanan. Kaya tinanong ko ang aking sarili, Tinanong nang walang pagaatubili, Tinanong kung ako nga ba'y umiibig na, Umiibig sa dilag na sa aki'y minsang nagpasaya. Sarili ko, bigyan mo ako ng kasagutan, "Oo" o "hindi" lang naman yan, Ganyan lang naman ka simple, Subalit di ko parin masabi. Dahil di ko maamin, Di ko kayang sabihin, Di ko kayang tanggapin, Ikaw nga siguro'y iniibig ko na, iyo sanang ipagpaumanhin.
0
Jun 5, 2017
Jun 5, 2017 at 10:25 PM UTC
inlababo