Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#pagsubok
Hawak-kamay, sabay na tinahak ang makinang na dalampasigan Patuloy sa paghakbang at paghila sa animo'y hindi dumarampi sa buhanging mga talampakan Mga palad na magkayakap, mga daliring magkaniig Dalawang pares ng matang nakangiti na ayaw bumitiw sa pagtitig Kasabay ng umaawit at mabining pagaspas ng alon Sumakay sa bangka patungo sa paraiso'y masayang sumagwan Subalit sa masayang paglalakbay ay may humulagpos na unos Paligid ay nilamon ng dilim, dumaan sa langit ang kislap ng talim Bangkang sabay na sinasagwan, tumaob at tinangay ng agos Sa gitna ng laot, sabay ding nilamon ng dagat at sa ilalim bumulusok Patuloy ang delubyong pilit na pinaghihiwalay ang magkahugpong na kamay Pilit pa ring lumangoy at magkasamang sumampa sa bangkang gutay-gutay Niyakap nang mahigpit ang kilalang bisig kahit nakapikit Hindi man mapigil ang higanteng alon at malakas na buhos ng ulan Nangangatal, nangangalay man ay hindi huminto sa pagsagwan Muntik mang malunod sa sigalot na mainam na nakaungos Kumalma ang dagat, natawid ng gabi ang umaga sa gitna ng digma at unos Mula sa dalampasigan, sa laot at sa dulo ng mga puso Mamamayani ang pag-ibig sa malawak at mapanghamong mundo
0
Oct 6, 2019
Oct 6, 2019 at 8:49 AM UTC
Sabay Tayong Sumagwan
ilang beses na akong naniwala, naniwala sa mga mapanlinlang na salita, naniwala sa mga mapagpanggap na gawa, ngunit sa bandang huli'y trinato na parang wala. ilang beses na rin akong pinangakuan, pinangakuan na hindi ako sasaktan, pinangakuan na ako'y aalagaan, ngunit sa bandang huli ako pala'y iiwan. kaya ako'y may gustong hilingin, sana ito'y iyong dinggin, sa bawat salitang aking babanggitin, sana ito'y iyong tuparin. dahil sayo ako'y susubok muli, sana ika'y manatili sa aking tabi, kung maaari sana'y 'wag akong isantabi, 'wag tratuhin na isang pagkakamali. simple lamang ang hiling ko aking sinta, mahalin mo ako ng tapat at walang pagdududa, sa bawat salita ay sana maging totoo ka, 'pagkat mahal kita at sa akin ay mahalaga ka.
0
Aug 5, 2017
Aug 5, 2017 at 3:39 PM UTC
Hiling
nang ako na ang nakasalang sa sampu ng aking pangkat tatatlo nga lamang sa kanila ang nakaka-angat,,,,sapagkat ako ang pang-apat na nakaupo sa kanilang lahat,,,,,at bagamat ang bawat isa sa anim ay alamat,sa ika-lima ako'y nagpasalamat di man ako lumingon sa tagiliran,,merong gigil ang aninag di kalayuan,,,ramdam ko-malinaw ko siyang nababanaag nagmumula iyon sa aking likuran,,, may puwersa ang kamao ng silay halos mag-agaw sa pag-alingawngaw yaring tanglaw at panglaw hanggang sa bumukol ang nauukol dalawang pugad sa iisang pagpukol sa tawag ng pagsubok,,di na ako"muli pang pasusukol" sa aking pagtayo,,di ako aayaw sa lunas na patungkol [4 of 12 marked voices of a dozen clusters of letters] less than 9 DAYS until Christmas intuition ~~~ intwisyon " 9 letter-word " © copyright 2015 - All Rights Reserved
0
Dec 16, 2015
Dec 16, 2015 at 1:48 AM UTC
I N T U I T I O N (9L)