#pagsisisi
Kung pwede lang gumawa ng sariling hukay
tatalon ako rito't pagsisihan ang mga kasalanan ko
Hindi ko gusto maging isang bomba
nauubusan ng oras at pasensya
Hindi ko hiling makasakit ng tao
sa oras na pumitik ang orasan ko
Kung ako ay may pagkakataong mabuhay muli
mas gugustuhin ng paa kong tumakbo palayo
Natatakot sa isipin
na mauulit ang mga desisyon ko
-ousson
Jan 19
Jan 19, 2026 at 1:57 PM UTC
Pinili nating maging tahimik
Pinili nating huwag umimik
Kaya naman hindi natin napagbigyan ang isa't isa na magmahalan
Hindi natin nasabi ang ating nararamdaman.
Pareho tayong naging duwag
Laging may bumubulong ng salitang "huwag"
Kahit gustong sumabog ng puso at sabihing "ikaw ang gusto",
Nagpapigil tayo sa takot na "baka mawala ka sa akin ng husto".
Kung sana kahit konti ay naging matapang tayo
Naghintay kahit gaano man kalabo
Lumaban kahit ilang beses matalo
Hindi sana nasasaktan at nagsisising "sana'y naging tayo"
May 20, 2020
May 20, 2020 at 3:49 AM UTC
Sabi ng iba mag ingat pag nag mahal.
Wag padalos-dalos para sa huli ay hindi ma bigo.
Kilalanin ang bawat isa.
Intindihin ang mga intensyon.
Minsan sa bigla ng iyong pagdating;
madudulas, masusugatan, at masasaktan.
Dahil ang puso ang unang pinairal at isip ay saglit nalimutan.
Dahil minsan ay mas madaling mag bulag bulagan.
Kahit ang dumi ay bumubungad sa mga mata.
Para lang hindi sya mawala kahit hindi na masaya ang pagsasama.
Nakasanayan na ikaw ay laging katabi sa kama.
Pero malaking pagbabago ang nasa gitna.
Ang pagmamahalan na sobrang tamis noon,
pumalit ay asim at pait ng damdamin ngayon.
Paano at kailan nag simula mawala ang tamis ng iyong halik?
Dahil ba iba na ang nagpapatibok ng iyong puso?
Ang haplos na inaasam sa iba na dumadapo?
At dahil siya na ang dahilan ng kislap ng iyong mga mata?
Gusto ko man itigil ang kirot ng damdamin,
pero bakit hindi ko kayanin na ikaw ay mawala sa akin?
Minahal ka ng lubusan at buong puso ko'y inalay.
Pero ito ay unti- untin **** tinapakan at binali wala ang halaga.
Ngayon ako ay huling nagsisisi dahil hindi nakinig sa payo ng iba.
-MPS12
Aug 7, 2017
Aug 7, 2017 at 1:22 PM UTC