Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#pagsinta
Kay gandang tanawin ng iyong ganda. Kay sarap pagmasdan, ngiti ng yong mga mata. At sa bawat sulyap mo, mundo ko'y humihinto. Sabay ng pag bilis, pintig nitong aking puso. Ako may kinakabahan sa twing' nakikita ka. Hindi naman nito napapawi, tuwang aking naipipinta. Huwag lang sana umiwas sa akin o sinta, Tiyak namang pag-ibig, itong aking nadarama. Ipagpatawad mo minahal kita agad sabi ng kanta. Ngunit syang tunay, ito ang batid ko sa twina. Malabis man na kabilisan, itong aking pagsinta. Pangako ika'y iingatan, saksi man ang mga tala. Sa bawat taludturan ng tula kung ito. Ipinababatid ko, ang pag giliw ko sayo. Ngunit kailan ma'y, hindi aasang susuklian mo, Mabasa mo lang ito'y, lubusang ikasisiya ko.
0
Apr 21, 2020
Apr 21, 2020 at 4:01 PM UTC
Paraluman
Ikaw ang naging mundo ko Una pa lang nahulog na ako Sinubukang pigilan itong puso Subalit pangalan mo ang sigaw nito Ang sarap **** pagmasdan Di nagsasawang ika'y titigan Ngiti mo'y hindi makalimutan Hanggad ko lamang ang yong kasiyahan Dalangin ko'y sana'y dinggin Na balang araw ika'y mapasaakin Sana'y di pa huli ang lahat saatin Magtiwala ka, hanggang huli ika'y iibigin
0
Nov 1, 2018
Nov 1, 2018 at 10:29 PM UTC
AKING SINTA