Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#paglingkuranangsambayanan
Daan-daan, libu-libo Daang-libo, daang-libo Umaasang may milagro Limandaang-libong piso Kayamanang kinurakot Ng pamilyang naging salot Sa bayan kong binaluktot Isasabog, baryang simot? Marami ngang naniwala Iba nama’y sakali, baka Kapag pera ang nagwika Sumusunod tanang dukha Kapag baya’y maralita, Karamiha’y mangmang pawa Konting kiliti at banta Utu-uto bumabaha Dumaraming maralita Kailangan ng kalinga Karunungan ay biyaya Ibahagi, ‘wag magsawa. Kawawa ang sambayanan Kung palaging iisahan Ang 4Ps, pera ng bayan Hindi ng angkang kawatan Panloloko ay tigilan Pandarambong ay tutulan Diktadura ay labanan Kabataan, mata’y buksan Bagong bayani kaylangan Karununga’y kalayaan. Malalawak ang larangan Sambayana’y paglingkuran
0
Sep 23, 2017
Sep 23, 2017 at 3:05 AM UTC
Bumabaha ng Inuuto (Floods of the Credulous)