Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#pagkawala
Kamusta ka, Naaalala mo pa ba ako O naaalala mo pa ba ang pagmahal ko Aking L_ Ang iyong damdamin ay saakin pa ba O Nasa iba na Aking L_ Patawad dahil hindi ko talaga kaya na mawala ka sa aking buhay Aking L_ sana nahanap muna ang iyong kasayahan Aking L_ Kahit hindi man lang ako ang magpapasaya sa iyo Minahal kita ng buong puso ko
0
Jul 4, 2019
Jul 4, 2019 at 1:15 PM UTC
ang aking L*****
Bakit balewala na sa akin ang pagkalunod? Bakit sa tuwing nahihila pababa ng angkla'y nagpipigil na lang ng hininga? Bakit tuwing nahuhulog ay hindi na sumusubok lumaban At sa tuwing may kamay na kukuha pabalik ay pilit iniiwasan Isang araw ay nagising Nang 'di namamalayan ang mga luhang umaagos sa mga mata Ganito pala sumagot ang sariling katawan Na paulit ulit nagsasabing hindi na sapat ang paglimot At di na rin sapat ang pagsisinungaling at pagpapaniwala sa sarili Na ayos ka na Dahil hindi pa naman talaga At akala mo lang noon na handa ka nang bumagon ulit at magsimula Kaya bumalik na sa himbing ng pagtulog hanggang sa makalimot muli
0
Nov 3, 2018
Nov 3, 2018 at 2:23 AM UTC
Untitled