Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#pagitan
Naranasang maghintay Nang walang inaantay Sa mailap na pag-asa Natuto paring umasa Tadhana ko'y pinigilan At nalagay sa pagitan Ng saya at ng lungkot Ng tuwid at baluktot Ng mali at ng tama Ng buwan at ng tala Ng gabi at ng araw Ng ligaya at panglaw Ng laya at ng kulong Ng sigaw at ng bulong Ng bitaw na o kapit pa Ng laban lang o suko na Magkabilang mundo Pagitan sana'y maglaho Magtagpo na nawa Bago pa magsawa
0
Jun 4, 2020
Jun 4, 2020 at 4:37 AM UTC
Pagitan
magkaibang panig ng iisang daan nagsalubong sa iisang punto ang punto ng alanganin nating dalawa lilisan pa ba o mananatili na lamang sa bawat saglit ng sandali pinili ang dalawang bagay para sa iisang katauhan tila ba ang sakit at saya ay iniinda walang katapusang posibilidad 'oo' at 'hindi' ang dapat na makatapat ngunit bakit napupunta sa iba't ibang panig hindi na alam ang nararapat piliin sa huli, tayo ang may pananagutan sakit, tuwa, poot at galit aanhin at dadamhin ng ating kaluluwa pagod na pagod sa pag-ikot ng mundo
0
Apr 2, 2018
Apr 2, 2018 at 11:13 PM UTC
nasa pagitan