Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#pagiisa
Binubuhay ng pag-iisa ang iba't ibang pakiramdam. Nalalaman mo na may mga bagay na 'di mo kayang gawin nang ikaw lang. Nailalabas ang kalungkutang ikaw lang ang nakakaalam. Nailuluha ang pighati na sa sarili mo lamang ipinapakita. Lumalakas ang pag-iyak na mumunting hikbi lang sa tuwing may kasama. Nauunawan mo na minsan kailangan mo lang din mapag-isa. Nagagawa **** maging matapang - Na kahit hindi mo kaya ay iyong sinusubukan. Nagagawa **** pasayahin ang iyong sarili. Hindi mo na kailangan pang magpanggap na hindi ka sawi. Dumadagsa ang mga kaisipan na sa pag-iisa mo lamang namamalayan. Ngunit sa lahat ng iyan, Napagtatanto mo na ang pinakamasakit na pag-iisa ay iyong may kasama ka. Wala naman kasing pagkakaiba 'yong pag-iisa na ikaw lang Sa pakikisama mo sa karamihan O sa tuwing napaliligiran ka ng tinatawag **** kaibigan. Pareho lang ang ibinibigay nilang pakiramdam. Pareho lang ang inuukit sa iyong isipan Na mag-isa ka - Kahit ikaw lang o kahit na mayroong kasama. © Tres
0
Jun 16, 2020
Jun 16, 2020 at 4:38 AM UTC
Sa Pag-iisa
Heto at dumating na nga At ako ma'y din nabibigla Ako ay napagod na Sa kaytagal na pag-iisa Malapit nang gumuho Ang pader na itinayo Napagod na sa katatago Ang malambot na puso Teka muna saglit Kailan nga ba lumuha ulit Nang ngiting nagpupumilit Kahit sobra nang sakit? Oo nagsisinungaling ako Nang sabihing okay lang ako Hindi kasi pweding sabihin sayo Dahil nasanay nang itago ito Napapagod na ako Sa kalungkutang ito Napapagod na ako Sa pag iisa Kong ito. - JGA
0
Mar 23, 2020
Mar 23, 2020 at 11:26 AM UTC
Napagod na