Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#pagbangon
Pulang mga tinta ang gamit, Pamamaalam ay nalalapit, Handa ka na ba? Isa, Dalawa, Pumikit ka! Ang takot ay inalis! Napalitan ito ng inis, Inakap ang sarili, Pilit nag-iisip ng mabuti. Itutuloy ko ba? O wag na? Ano ba?! Tama pa nga ba? Bumilang muli ng isa hanggang tatlo, Siguro nga ay tama na 'to, Hawakan muli ang lubid, Tama na ang pait! Muling ginamit ang pulang tinta, Tama na ang aking paghihirap, sinta, Hanggang dito na lamang, ‘Wag nang hanapin pa ang mga letrang kulang, Ito ang kwento ng aking paglisan, Dito ko na ibaba ang aking mga pasan. Paalam.
0
Mar 8, 2018
Mar 8, 2018 at 9:57 AM UTC
Ang Huling Sandali