Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#paano
O kay saya, Napakaligaya, Nitong aking sarili, Dala'y tunay na ngiti. Ngunit ano nga bang dahilan? Nitong labis na kaligayahan, Ito'y may dahilan nga ba? Oo, at ikaw yun aking sinta. Subalit sinta ko, Ikaw nga ba'y totoo, O baka ika'y ilusyon ko, Ginawa lamang ng utak ko. Pinangkakapitan, Pinaniniwalaan, Sa paningi'y katotohanan, Ang lahat ng nasisilayan. Parang panaginip, Habang tahimik na naka-idlip, Parang paraiso, Itong ilusyong ito. Sana ito nalang ang katotohanan, Sana ito nalang ang kasalukuyan, Sana ito nalang ang pinagdadaanan, Sana ito nalang, upang di na masaktan.
0
May 29, 2017
May 29, 2017 at 11:55 AM UTC
Ilusyon?
*Isaksak ko man sa utak kong tapos na Pero yun puso ko naghahanap pa.*
0
Nov 28, 2015
Nov 28, 2015 at 10:08 PM UTC
Paano?
Siya'y nakalaan sa'yo, Ika'y para sa kanya, Paano naman ako? Tadhana'y sadyang kay daya.
0
Jul 16, 2015
Jul 16, 2015 at 12:43 AM UTC
Paano ako?