Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#ngiti
Ngiti mo ay kay akit-akit, Mga mata mo'y puno nang pighati. Tila ito'y hibik ngunit walang kalatis. Kaibigan, mayroon bang bumabagabag sa iyong paglingap? Ipamarali mo at nang ika'y aking kalingain. Datapwa't ako'y walang sinuman gayunman ako'y may kahabagan. Kahit pilit **** inaakupado ang kanyang pag-iisip subalit pakatandaan na ang puso'y di marunong lumimot sa nakaraan. Ano ba ang dapat **** gawin upang ika'y mapansin? Hanggang kailan matatapos ang iyong kalumbayan? Hanggang kailan mo siya alpasan? Mauuwi na naman ba sa balitaktakan?
0
May 23, 2022
May 23, 2022 at 8:51 PM UTC
Ang Puso'y di marunong lumimot sa nakaraan
Ang kahapon ay nagdaan, lungkot ko ay lumisan. Tunog ng huni ang aking nagisnan. Liwanag ng araw ang aking nakikita. Sa dapit sulok ako ay nakatanaw. Simoy nang hangin ang nalanghap, ngiti ang siyang nasilayan. Oh, kay ganda ng umaga! Sipsip ng kape ang aking natamasa. Hindi magsasawang dumungaw sa maliit na bintana. Buhok ay hinangin pero ito'y nagbibigay buhay. Mata ko ay pumungay sa ganda ng tanawin. Kay gandang pagmasdan ang mga ulap na animo'y dinadala ka sa kalawakan. Kay sarap marinig ang huni ng mga ibon na para bang kinakalma ang iyong damdamin. Binawi nito lahat ang kapintasan na aking pinagdadaanan. Lumuha man noon, napalitan naman ngayon nang isang totoong ngiti. Maari bang ganito nalang palagi at kalimutan ang pait na siyang aking nakamtan?
0
Feb 19, 2021
Feb 19, 2021 at 3:22 AM UTC
Binawi nito lahat ang kapintasan na aking pinagdadaanan
Madami na akong nabasang libro Ngunit ikaw parin ang hinahanap kong kwento na nais balik balikan Na hindi magsasawang basahin muli Mga pahinang ikaw lamang nagbigay sa mga labi ko ng ngiti. Bawat kabanata nitong libro bawat pagbasa ko ng mga pahina, pinapangiti mo ako muli, Na para bang andiyan ka lang sa aking tabi. Pinapa ulan mo ang aking mga mata tuwing.... binabasa ko ang kahapon. doon ko lang natuklasan na kaya ko palang magmahal ng tapat sa mundong ibabaw na puro kalokohan lang ang inaatupag ko. Hindi ka ba masaya? Na binabalik balikan ko ang  hindi makatotohanang kwento, Na hanggang pahina at kabanata nalamang sila magiging totoo. Masakit, pero kailangan natin tanggapin, ako, ako lang pala, ika'y lumisan na Napunta ka na sa ibang pahina Ako, ako andito pa Iniwan mo sa alaala nating dalawa Pwede ba magsabi ng totoo? Kahit na sobrang gulo, sasabihin ko sayo Ikaw ang nag-iisang tahanan ng naliligaw kong pagkatao. Etong mga pahina... nagiwan ng bakas sa puso kong bukas Na inalay ko sayo gamit pa ang aking mga kamay na kitang kita ang bakas, Bakas ng kahapon na sinaktan ako Sinugatan ako ng taong minahal ko Na pinalitan lamang ng saksak sa puso. Itong mga pahina't kabanata Na nagpapakita Na mahal parin kita Subalit nasa ibang libro ka na. Alam kong tapos na Wala nang tyansa Kaya't ibabalik nalamang kita Sa aking istante Na madaling hanapin Kapag nais ko muling basahin Ang kahapon na sinulat natin. Mga pahinang babalik balikan, Mga kabanatang hindi makakalimutan, Librong tayong dalawa na ako nalamang Ang gagawa ng paraan para protektahan
0
Mar 20, 2020
Mar 20, 2020 at 12:50 AM UTC
Mga pahina

Continue reading...
39
Nakaw lang ang tingin Ngunit ang nakita ay higit Kahit oras ay bitin Paghangang nakuha sa saglit Sa kanyang labing kanais nais Ang kanyang namumutlang pisngi Kanyang tangkad na hindi labis Ang kanyang bihirang ngiti Sa sandaling ikaw ay nasilayan Mata ko ay ayaw kang pagbitiwan Siguro nga ay hindi ka pangkaraniwan Sa ngayo'y tanging magagawa, ika'y titigan
0
Jan 20, 2019
Jan 20, 2019 at 11:44 AM UTC
Nakaw ng Tingin
Sa kulay-kape **** mga mata, nakita niya ang kanyang halaga. Ang iyong ngiti ang silbing niyang liwanag, nagbigay sa diwa niya ng tatag. Yakap mo'y kanyang tahanan, siyang nagbibigay ng gaan. Hindi man mabigkas ng bibig ang salita, siya'y kuntento na sa iyong gawa. Ika'y isang wikang walang tinig, ngunit sa kanya'y isang magandang himig. -Steph Dionisio, September 09, 2015
0
Sep 9, 2015
Sep 9, 2015 at 6:27 AM UTC
® Wikang Walang Tinig
Ríete de la noche, Pagtawanan mo ang gabi, Laugh at the night, del día, de la luna, ang araw, ang buwan, at the day, at the moon, ríete de las calles torcidas de la isla, *pagtawanan mo ang liku-likong landas sa isla,* **laugh at the twisted streets of the island,** ríete de este torpe muchacho que te quiere, *pagtawanan mo ang torpeng lalaking ito na nagmamahal sa iyo,* **laugh at this clumsy boy who loves you,** pero cuando yo abro los ojos y los cierro, *ngunit kapag bubuksan at isasara ko ang aking mga mata,* **but when I open my eyes and close them,** cuando mis pasos van, kapag ako ay umalis, when my steps go, cuando vuelven mis pasos, kapag ako ay muling bumalik, when my steps return, niégame el pan, el aire, la luz, la primavera ipagkait mo na sa akin ang tinapay, ang hangin, ang liwanag at ang tagsibol, **deny me bread, air, light, spring,** pero tu risa nunca porque me moriría. *wag lamang ang iyong mga ngiti dahil ito ay aking ikasasawi.* **but never your laughter for I would die.**
0
Sep 4, 2015
Sep 4, 2015 at 3:39 PM UTC
Pablo Neruda's TU RISA