#nadarama
"Magandang umaga sa mga ulap na kasing ganda ng yong mga mata.
Habang lumulubog ang mga bitwin patuloy ang buwan sa pagkanta.
Ang langit na sing tamis ng mga ngiti **** walang kasing lambing.
Kung alam mo lang sana ang pakiramdam ko sa tuwing ika'y nakikita.
O kung paanong ang puso ko'y lumulundag kahit di ko man idikta.
Ang isip ko'y di mapakali hinahabol ang kanyang paghinga.
Sa bawat patak ng segundo sa bawat hininga mula sa baga ko,
Mukha mo ang naiisip tinig mo'y umaalingaw ngaw sa loob ng utak ko.
Ibaling ko man sa iba ang atensyon ko naghihimagsik ang damdamin ko,
Ikaw ang panaghoy ng puso kong sing lambot ng ulap na di mapanuto."
Apr 21, 2020
Apr 21, 2020 at 4:11 PM UTC
ako'y pupungas-pungas
ngunit pinili ang mata'y isarado
pinilit matulog, nagbabakasakaling
ang payapang panagip ay bumalik;
ako'y nasa lugar na nais
sa lugar na lahat ay tunay,
sa lugar kung saan walang madla,
sa lugar na malaya at walang nakakakita ng tunay na nadarama
sa likod ng ngiting pinapakita.
nakaupo sa pino
ngunit puting buhangin,
pinagmamasdan ang tulog na ulap
sa likod ng mga kumikinang na bituin,
at pinapakinggan ang tila walang sigla
na hampas ng alon sa dalampasigan
isip ko'y binabaha
ng mga salitang hindi mailabas,
sa tahimik na lugar na nais
nagtanong sa sarili,
"mayroon pa bang saysay
itong buhay na walang halaga?"
Feb 12, 2019
Feb 12, 2019 at 1:02 AM UTC