Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#muli
Andaming nag bago, noh? Mga bagong mukha Mga naalala ko na lamang sa mukha Ano ba ulit ang iyong ngalan? Marami na rin palang namaalam Mga namalagi sa ibang lugar Mga lumisan sa mundong ibabaw Ikaw, saan ka na nananahan? At itong mga dating maliliit na bata Ngayon ay nagsilakihan na Ang karamihan ay napariwara At ang iilan ay hindi nawalan ng pag asa Masyado siguro akong naging abala Upang hindi mapuna Kilala pa rin kaya ako Ng komunidad na kinalakihan ko?
0
Mar 31, 2020
Mar 31, 2020 at 8:32 AM UTC
Komunidad
Ni isang beses ay hindi pa 'ko Nakakakain ng paru-paro Ngunit tila bakit ang sikmura ko'y puno? Saka ko naalala na noon Nang una kong masabi ang pangalan mo Nakalunok ako kaya siguro.
0
Dec 18, 2019
Dec 18, 2019 at 10:13 PM UTC
Paru-paro.
Nang makita ka Lukso ng aking puso’y Lalong bumilis Kislap ng mata Ngiti sa aking labi Pilit tinago Ako’y nautal Di nagkanda-ugaga Dahil nagalak Sapagkat tayo’y Bubuo ng memorya Nang magkasama © LMLB
0
May 13, 2018
May 13, 2018 at 7:17 PM UTC
Muli