Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#movieinspired
Isang daang tula man ang aking gawin hindi nito kayang palawigin ang mga oras natin. Hindi nito kayang dugtungan ang mga araw na nawala ni hindi nito kayang bumuo ng mga nasira.  Hindi nito kayang ibulong ang mga salita na nais sabihin ng puso. Sa ating dalawa ikay tapos na, masaya na at nakahanap na ng iba.  Marahang ipikit yaring mata salitang patawad pakawalan na.
0
Mar 8, 2018
Mar 8, 2018 at 10:09 PM UTC
Ang huling halik