Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#minsan
Minsan ko nang nakita ang mga ngiti mo sa labi, na siyang minsan na rin akong naging dahilan Minsan na rin akong nalunod sa iyong mapungay na mga mata, na siyang hindi ko sigurado kung ako’y nakaahon na ba Minsan ko na ring nahawakan ang iyong mga kamay, na siyang ka’y higpit na para bang ito ang iyong paboritong laruan At minsan ko na ring narasanan ang mahagkan gamit ang iyong mga bisig, na para bang natatakot na ako’y mawawala. Alam mo ba kung ano ang pinaka paborito kong minsan? Ang mahalikan mo gamit ang iyong mapula at malambot na labi na siyang paulit-ulit akong nadampian sa iba’t ibang parte ng aking mukha. Minsan. Kung iisipin ay nakakatakot dahil ang lahat ng mga bagay na masasaya ay nauuwi sa minsan. Yung minsan na hindi sigurado kung uulit pa ba, o yung minsan ba magiging madalas na? Ngunit sa minsan kong karanasan sa piling mo. Ako ay lubos na naging masaya. Lubos na nagkaroon nang pag-asa na minsan ko na itong naramdaman, at siguradong darating din ang bukas na maaaring maging madalas na, yung sigurado na akong hindi magwawakas.
0
Apr 11, 2020
Apr 11, 2020 at 1:20 PM UTC
Minsan
Minsan sumasagi ka parin sa isipan Habang kaupo sa sasakyan Nasa tabi ng mga bintana At nakikinig ng malulungkot na kanta Minsan sumasagi ka parin sa isipan Kapag naglalakad sa kung saan Kapag hatid na ilaw ng buwan kay liwanag At ang ngalay na mga binti ay di batid Minsan sumasagi ka parin sa isipan Tuwing nakatingin sa kalawakan Nagtatanong kung damdaming isiniwalat At mga salitang binitawan ay puro nga ba at tapat
0
Oct 7, 2019
Oct 7, 2019 at 9:49 AM UTC
Minsan
Minsan talaga hindi ko na alam kung bakit pa ako naghihintay At kung ako naman ay lalaban para saan pa ba iaalay. Minsan hindi ko na alam kung bakit pa ako umaasa At kung titigil naman nangangapa ako ng rason para tumuloy pa. Minsan hindi ko na rin alam kung bakit pa ako humihiling At kung itatapon ko nalang hinahabol naman ako ng mga bituin. Minsan hindi ko alam kung bakit nakakaya ko pang magbigay At kung ako naman ay tatanggi hindi ko rin makita ang saysay. Minsan hindi ko na alam kung bakit pa kita minamahal At kung susubukan kong magdahilan naiisip ko pa ring sumugal. Minsan hindi ko na rin alam kung bakit hindi pa ako sumusuko At kung ihihinto na sarili ko rin lang ang aking niloloko. Minsan hindi ko na talaga alam minsan hindi ko na mahanap ang kasagutan Ngunit sana makahanap ako ng kasiguraduhan kahit minsan lang.
0
Nov 21, 2017
Nov 21, 2017 at 8:50 AM UTC
minsan
Ikaw, Ang Kahapon, Ngayon, At Bukas.
0
Mar 1, 2017
Mar 1, 2017 at 10:08 AM UTC
Mapanahon