Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#medisina
Marahil ikaw ang mabisang gamot Na laging naka ngiti at ang noo'y naka kunot Sana'y lagi kang ganyan at hindi malungkot At sa dibdib ay wag magtanim ng anumang poot Pagkat bakas sa iyong mata ang kalungkutan Na tila dulot ng nakaraang paglisan Ako'y nagagalak dahil sa iyong katapangan Na para bang kaya **** harapin ang kinabukasan "Galingan mo pang lalo" yan aking sambit Dahil alam kong pangarap mo'y malapit mo ng makamit Pag aaral ng ukol sa ngipin ay hindi madali Pero pag-papangiti mo sa ibang tao'y talagang wagi Para sa ilang araw na walang tulog Para sa isip **** determinado't may pagsisikap Kapit lang. Dahil balang araw ikaw'y makaka ahon Sa lula ng pasan **** panahon Nais kong malaman mo'y ako'y galak Sa ugali **** taglay at sa mga tawa **** walang humpay Asahan **** sa iyong paglalakbay na lagi akong naka gabay At unang ngingiti sa iyong tagumpay At para sa puso **** marupok na minsan ng nauntog Nawa'y mahanap na nya ang sariling tuldok Dahil ang nais ko lang naman ipabatid Ay kung gaano kasarap mahalin at magmahal ng solid
0
May 17, 2018
May 17, 2018 at 2:12 AM UTC
MEDISINA