Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#maskara
Sa salamin may pinapahid sa pisngi si Maya Mga palamuting umaaliw sa paningin ng iba Paglipas ng sandali'y anyo nga ay nag-iba Ngunit katotohanan ay di maitatago sa likod ng maskara May isang taong buong buhay ay naghukay Inapakan ang lahat upang marating ang tagumpay Ngunit hininga niya'y napagod na sa kahihintay Sa huli, siya itong naghukay para sa sariling bangkay Ngayong araw ay kaawaran ko na May mga pagkatok, heto't bubuksan ko na Pagbukas ko'y mga pagbati't regalo ang dala-dala Sa pag talikod ko'y itak na ang naka-amba Sino nga ba itong nagkukubli sa pangalan ng iba At tila ba nagtatago sa mundong alam niya May nais nga ba siyang ilihim sa paningin ng iba At patakas na nagtatago sa larawan ng iba? Ito'y ilang halimbawa na aking nabanggit Tila nakamamatay na sakit, tulad ng inggit Na anyo ng bawat isa na kanya-kanyang bit-bit Na mga Pagkatao'ng tiyak na walang nagpapahigit.
0
Jan 28, 2023
Jan 28, 2023 at 6:46 AM UTC
Pagkatao
Dama ko na ang pagdampi ng sikat ni haring araw At sa araw na ito kakalimutan na ang ikaw Sa bintana'y 'di na muling dudungaw Wala na ang pag-ibig na dating umaapaw. Kung sa umaga'y suot suot ang maskara, Sa gabi'y, naghahanap ng makakalinga. Yakap yakap ang unan Bagay na saksi sa lahat ng aking kasawian. Tumatangis sa gabing maulan Humihingi ng tulong mula sa kalawakan Hanggang kailan matatapos ang aking pakikipaglaban? Sa kalungkutang dala ng nakaraan.
0
Mar 8, 2020
Mar 8, 2020 at 9:52 PM UTC
Maskara(KALUNGKUTANG DALA NG NAKARAAN)